Paggawa ng Tunay na mga Alagad Ngayon
Mga Misyonero Mga Ahente ng Liwanag o ng Kadiliman?—Bahagi 6
Paggawa ng Tunay na mga Alagad Ngayon
SI Jesu-Kristo ay nag-utos: “Humayo kayo samakatuwid at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila.” (Mateo 28:19) Ang Everyman’s Encyclopedia ay nagsasabi na ang atas na ito “ay isinagawa ng mga Kristiyano sa lahat ng panahon,” bagaman susog pa nito, “kung minsan taglay ang kaunting sigasig.” Ang aklat na The Missionary Myth ay nagtatanong: “Natapos na ba ang panahon ng misyonero?”
Noong Enero ng taóng ito, ang magasing Newsweek ay nag-ulat: “Dinadala ni Papa John Paul II ang Romano Katolisismo sa mga lansangan.” Ang magasin ay nagpaliwanag: “Siya’y nagsugo ng 350 legong ebanghelista upang magsaliksik ng mga kumberti sa mga disco, palengke, at mga istasyon ng sabwey sa Roma. Ang eksperimentong programa ay nagsimula noong Miyerkules de ceniza (Peb. 16). Kung ito’y magtatagumpay, ang papa ay magsusugo ng mga ebanghelista sa buong daigdig—isang pagkilos na magpapangyari sa mga misyonerong Katoliko na magtungo sa bahay-bahay mula sa Buenos Aires hanggang Tokyo.”
Sa kabilang dako, malaon nang naunawaan ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang pananagutan na gumawa ng gawaing pag-eebanghelyo. (2 Timoteo 4:5) Mangyari pa, hindi lahat ay nangangaral bilang mga misyonero sa banyagang mga bansa. Subalit sila’y maaari—at talagang—nangangaral saanman sila naroroon. Sa diwang ito, lahat sila’y mga misyonero.
Isang Pantanging Uri ng Paaralan
Maaga noong dekada ng 1940, ang Samahang Watch Tower ay nagtatag ng isang paaralan upang sanayin ang bihasang mga ministro bilang mga misyonero sa banyagang mga lupain kung saan may apurahang pangangailangan. Sa nakalipas na mga taon ang kurikulum ay binago, subalit hindi ito kailanman lumihis sa pangunahin nitong tunguhin na pagdiriin ng pag-aaral sa Bibliya at paggawa ng mahalagang gawain ng pag-eebanghelyo.
Ang pangalang napili para sa bagong paaralan ay Gilead, na sa Hebreo’y nangangahulugang “Patotoong Bunton.” Sa pagtulong upang magsalansan ng isang bunton ng patotoo upang parangalan si Jehova, ang Gilead ay gumanap ng isang napakahalagang bahagi sa pagsasagawa ng pangglobong gawaing pangangaral na inihula ni Jesus na magaganap sa ating kaarawan.—Mateo 24:14.
Nagsasalita sa unang klase ng Paaralang Gilead noong 1943, si Nathan H. Knorr, noo’y presidente ng Samahang Watch Tower, ay nagsabi: “Binibigyan kayo ng karagdagang pagsasanay para sa isang gawaing katulad ng ginawa ni apostol Pablo, Marcos, Timoteo, at ng iba pa na naglakbay sa lahat ng bahagi ng Imperyo ng Roma na nagpapahayag ng mensahe ng Kaharian. . . . Ang pangunahing gawain ninyo ay yaong pangangaral ng ebanghelyo ng Kaharian sa bahay-bahay gaya ng ginawa ni Jesus at ng mga apostol.”
Nang matapos ng unang klase ang pagsasanay nito, ang mga nagtapos dito ay isinugo sa siyam na
bansa sa Latin-Amerika. Hanggang sa ngayon, mahigit na 6,500 estudyante buhat sa mahigit na 110 bansa ang nasanay sa Paaralang Gilead at isinugo bilang mga misyonero sa mahigit na 200 bansa at mga kapuluan.Ibang Klaseng mga Misyonero
Binanggit ng naunang mga artikulo sa seryeng ito ang tungkol sa gawain ng mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan noon. Ang marami, gaya niyaong mga ipinadala sa Greenland, ay nagsalin ng Bibliya o mga bahagi nito sa katutubong wika. Gayunman, ang unang mga misyonerong iyon ay kadalasang may mga interes maliban sa pagtuturo sa mga tao ng Bibliya.
Ang mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan sa Hapón, halimbawa, ay nasangkot sa “edukasyonal na mga institusyon at mga paaralan,” sabi ng Kodansha Encyclopedia of Japan. Sabi nito: “Maraming misyonero ang naging kilala sa pamamagitan ng kanilang pagiging iskolar.” Sila’y naging mga lingguwista o mga propesor, nagtuturo ng mga asignaturang gaya ng literatura, wika, kasaysayan, pilosopya, mga relihiyon sa Silangang Asia, at alamat Hapones. “Ang mga institusyon sa pagkakawanggawa at kagalingang panlipunan ay mahalagang bahagi rin ng gawaing misyonero,” sabi pa ng ensayklopedia.
Ang pangangaral ng ebanghelyo ay hindi binigyan ng pangunahing dako ng mga misyonero sa pangkalahatan. Kadalasang idiniin nila ang pagbibigay-kasiyahan sa pisikal na mga pangangailangan sa halip na espirituwal na mga pangangailangan. Ang paghahangad ng personal na mga interes ang kanilang naging pinagtutuunan ng pansin. Kaya nga, isang misyonero ng Church of England na isinugo sa Hapón noong 1889 ay kilala sa ngayon bilang ang “ama ng isports na pag-akyat sa bundok sa Hapón.”
Ang sinanay sa Gilead na mga misyonero ay naiiba sa maraming paraan mula sa mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan. Ang aklat na Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos, kabanata 23, ay nagsasabi: “Ang mga misyonerong nagtapos sa Paaralang Gilead ay nagtuturo ng Bibliya sa mga tao. Sa halip na magtayo ng mga simbahan at umasang sila’y puntahan ng mga tao, sila’y dumadalaw sa bahay-bahay . . . , hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod.”
Ano ang Naging Bunga?
Pagkatapos ng mga dantaong panahon upang gumawa ng mga alagad na Kristiyano sa Europa, gaano katagumpay ang mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan? Ang aklat na A Global View of Christian Missions ay sumasagot: “Tinatayang 160 milyong tao sa Europa ang hindi nag-aangking miyembro ng anumang relihiyon. Kabilang doon sa nag-aangkin pa rin ng katapatan sa Kristiyanismo roon ay ang ilan na seryoso sa kanilang relihiyon. . . . Lubusang hindi totoong ang Europa ay tawaging isang Kristiyanong kontinente.”
Kumusta naman ang kalagayan sa Asia? Ang Kodansha Encyclopedia of Japan ay sumasagot: “Ang palagay ng mga tao ay na ang Kristiyanismo ay itinuturing pa rin bilang isang ‘banyagang’ paniniwala, . . . hindi angkop para sa karaniwang Haponés. . . . Ang kilusang Kristiyano ay nananatili pa ring hindi mahalagang bahagi ng lipunang Haponés.” Oo, sa Hapón wala pang 4 na porsiyento ng mga tao ang nag-aangking mga Kristiyano, sa India ay wala pang 3 porsiyento, sa Pakistan ay wala pang 2 porsiyento, at sa Tsina ay wala pang 0.5 porsiyento.
Pagkaraan ng mga dantaon ng gawaing misyonero ng Sangkakristiyanuhan sa Aprika, ano ang kalagayan doon? Sa isang report tungkol sa pulong ng mga obispong Aprikano na idinaos nitong tagsibol sa Roma, ang Alemang magasin na Focus ay nag-ulat: “Ang di-Kristiyanong mga relihiyon sa Aprika ay hindi na mahahatulan bilang paganong idolatriya. Ang opisyal, gayunma’y hindi pa nailalathala, na dokumento ay naglalagay sa ‘tradisyonal na di-Kristiyanong mga relihiyon sa Aprika’ sa antas ng karapat-dapat at mahalagang relihiyosong kapareha. Ang kanilang mga miyembro ay karapat-dapat sa pagpapahalaga. Kinilala ng sinodo a
na ang mga relihiyong dating hinahatulan bilang naniniwala sa mga anting-anting ay ‘kadalasang tinitiyak ang istilo ng buhay ng kahit na pinakakumbinsidong Katoliko.’ ”Pagkaraan ng mga dantaon upang gumawa ng Kristiyanong mga alagad sa mga bansa sa Amerika, gaano katagumpay ang mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan? Ang aklat na Mission to the World ay sumasagot: “Ang ‘Latin Amerika’ ay marapat pa rin sa titulong ‘ang napabayaang kontinente’ sa kabila ng malaking pagsulong ng gawaing misyonero nitong nakalipas na mga dekada.” Tungkol sa Estados Unidos, ang Newsweek ay bumabanggit na ang mga surbey kamakailan ay “nagpapakita na bagaman ang relihiyon ay lumalaganap sa Amerika, isang minoridad lamang ang seryoso rito. . . . Kalahati ng mga tao na nagsabi sa mga nagsurbey na ginugugol nila ang mga Linggo sa simbahan ay hindi nagsasabi ng totoo. . . . Halos sangkatlo lamang ng mga Amerikanong 18 o mas matanda pa rito ang ganap na sekular ang pangmalas . . . Tanging 19 na porsiyento . . . ang regular na nagsasagawa ng kanilang relihiyon.”
Sa kabuuran, sa kanilang mga pagsisikap na bawasan ang mga problema tungkol sa karukhaan, mahinang kalusugan, at kakulangan ng edukasyon, ang mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan, bilang isang grupo, ay nagtaguyod ng mga pakana ng tao na sa pinakamabuti ay nagdulot lamang ng pansamantala at bahagyang ginhawa. Sa kabilang dako, itinuturo ng tunay na mga misyonerong Kristiyano ang mga tao sa natatag na Kaharian ng Diyos, na siyang magdadala ng walang-hanggan at ganap na ginhawa. Hindi lamang nito babawasan ang mga problema; lulutasin nito ang mga ito. Oo, dadalhin ng Kaharian ng Diyos ang sangkatauhan sa sakdal na kalusugan, tunay na katiwasayan sa kabuhayan, walang katapusangAwit 37:9-11, 29; Isaias 33:24; 35:5, 6; 65:21-23; Apocalipsis 21:3, 4.
mga pagkakataon ng mabungang gawain para sa lahat, at buhay na walang katapusan!—Maaaring ituro ng mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan ang nag-aangking mga Kristiyano na paminsan-minsang dumadalo sa relihiyosong mga serbisyo bilang katibayan na sila’y gumawa ng “mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila.” Subalit ipinakikita ng mga katotohanan na ang mga misyonerong ito ay nabigo na turuan ang mga nabautismuhang ito na ‘tuparin ang lahat ng mga bagay na iniutos ni Jesus.’—Mateo 28:19, 20.
Gayunman, ang gawaing pagtuturo ng tunay na mga Kristiyano ay magpapatuloy hanggang sa bagong sanlibutan ng Diyos. Ito’y lalaganap upang saklawin ang milyun-milyong binuhay na muli na mangangailangan ng tagubilin sa mga daan ng Diyos. Pagkatapos, nang walang pakikialam ni Satanas, ang mga Kristiyano ay magkakaroon ng kasiya-siyang pribilehiyo na patuloy na gumawa ng mga alagad—gaya ng ginagawa nila sa loob ng mga dekada.
[Talababa]
a Tingnan ang artikulong “Ang Iglesya Katolika sa Aprika,” sa pahina 18.
[Kahon sa pahina 24]
Kung Paano Nila Natulungan ang mga Tao
Ang sumusunod ay mga komento niyaong nakinabang sa tulong ng mga misyonerong sinanay sa Gilead.
“Humahanga ako sa kanilang determinasyon, pagtitiis sa marami na kakaiba sa kanilang lupang tinubuan: klima, mga wika, mga kaugalian, pagkain, at mga relihiyon. Subalit sila’y nanatili sa kanilang mga atas, ang ilan ay hanggang kamatayan. Ang kanilang mabuting ugali sa pag-aaral at sigasig sa ministeryo ay nakatulong sa akin na linangin ang gayunding mga bagay.”—J. A., India.
“Hanga ako sa pagiging nasa oras ng misyonero sa pakikipag-aral sa akin. Siya’y nagpakita ng kahanga-hangang pagpipigil-sa-sarili sa pagtitiis sa aking mga maling palagay at kawalang alam.”—P. T., Thailand.
“Kami ng aking maybahay ay nagpapahalaga sa kabutihan na ipinakita ng mga misyonerong Saksi. Ang kanilang gawain ay nakaimpluwensiya sa amin na gawing tunguhin namin ang buong-panahong paglilingkod, at ngayon kami ay may kagalakan sa pagiging mga misyonero mismo.”—A. C., Mozambique.
“Ang aking buhay ay naging maka-ako. Ang pagkakilala sa mga misyonero ay nagbigay ng pangganyak na kinakailangan ko upang baguhin ito. Nakita ko sa kanila hindi ang paimbabaw kundi ang tunay na kaligayahan.”—J. K., Hapón.
“Ang mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan ay nabubuhay nang maalwang buhay. Ang mga katulong ang naglilinis ng bahay, nagluluto, naglalaba, nangangalaga sa hardin, at nagmamaneho ng kotse. Ako’y nagulat na makita ang mga misyonero ng Gilead na mahusay na ginagawa ang kanilang sariling mga gawain sa bahay, habang tinutulungan ang lokal na tao tungkol sa Kaharian ng Diyos.”—S. D., Thailand.
“Ang misyonerong mga sister ay sakay ng mga bisikleta upang dumalaw sa mga tao kahit na kung uminit ang temperatura tungo sa mahigit na 46 na digris Celsius. Ang kanilang pagkamapagpatuloy at pagkawalang kinikilingan, gayundin ang kanilang pagbabata, ay nakatulong sa akin na makilala ang katotohanan.”—V. H., India.
“Ang mga misyonero ay hindi nag-aakalang sila’y nakatataas. Mapakumbabang nakibagay sila sa lokal na mga tao at sa mahirap na mga kalagayan sa pamumuhay. Sila’y pumunta upang maglingkod, kaya hindi sila kailanman nagreklamo kundi laging waring maligaya at kontento.”—C. P., Thailand.
“Hindi nila binantuan ang katotohanan ng Bibliya. Gayunman, hindi nila ipinadama sa lokal na mga tao na ang lahat ng bahagi ng kanilang tradisyonal na kultura ay mali o na dapat nilang sundin ang Kanluraning mga paraan. Hindi nila kailanman ipinadama na ang iba ay nakabababa o walang kakayahan.”—A. D., Papua New Guinea.
“Di-gaya ng mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan, siya ay handang sumalampak sa sahig na magkakrus ang paa, istilong Koreano, samantalang idinaraos namin ang pag-aaral sa Bibliya. Handa siyang kumain ng Koreanong pagkain. Ang pagmamahal na nadarama ko para sa kaniya ay nakatulong sa akin na sumulong.”—S. K., Korea.
“Ako’y sampung taóng gulang at lumalabas ng paaralan kung tanghali. Isang misyonero ang nag-anyaya sa akin na samahan siya tuwing hapon sa ministeryo sa larangan. Itinuro niya sa akin ang maraming simulain ng Bibliya at ikinintal sa akin ang tunay na pagpapahalaga sa organisasyon ni Jehova.”—R. G., Colombia.
“Tinuruan nila akong manatili sa mga atas, ginagawa ang kinakailangang gawin nang hindi nagrereklamo. Pinasasalamatan ko si Jehova at si Jesu-Kristo sa kaibuturan ng aking puso sa pagpapadala sa amin ng mga misyonero.”—K. S., Hapón.
[Larawan sa pahina 23]
Ang mga misyonerong sinanay sa Gilead mula sa 16 na bansa ay naglalahad ng mga karanasan sa isang kombensiyon kamakailan