“Ang Pinakamaiinam na Magasin na Makukuha”
“Ang Pinakamaiinam na Magasin na Makukuha”
ANG MGA PATNUGOT ng Gumising! ay tumanggap kamakailan ng isang liham buhat kay Lisel, isang 18-anyos na estudyante ng haiskul sa Estados Unidos. Siya’y sumulat:
“Ako’y naka-enroll sa isang kurso sa kasaysayan na pangkolehiyo. Mayroon itong hinihiling na mahabang pag-uulat para sa research paper, at ang napili kong isusulat na paksa ay ang tungkol sa may-prinsipyong pagtutol ng mga Saksi ni Jehova sa Nazismo sa Alemanya sa ilalim ng Third Reich. Gusto ko pong hilingin ang talaan ng mga reperensiyang inaalok sa dulo ng artikulo sa Gumising! na pinamagatang ‘Mga Saksi ni Jehova—May Lakas ng Loob sa Harap ng Banta ng Nazi,’ na nasa labas ng Hulyo 8, 1998. Ang artikulo ay lubusang sinaliksik at gayon na lamang ang lohika ng pagkakasulat anupat kung isusulat ko ang aking akda taglay ang kalahati lamang ng tindi ng damdamin at katotohanan nito, ang kalalabasan nito ay magiging isang malaking patotoo sa lupon na magtatakda ng grado sa aking akda.
“Salamat sa inyong patuloy na paggawa ng pinakamaiinam na magasin na makukuha. Sa bawat labas, tumatanggap ako ng ‘leksiyon sa pampanitikang pagsulat’ na nakahihigit sa anumang bagay na itinuturo sa aking paaralan, at ito ang nag-uudyok sa akin na patuloy na maghangad na pasulungin ang bawat akda na aking isinusulat. Nais ko pong ipaalam sa inyo na pinahahalagahan ko ang inyong pagsisikap.”
[Picture Credit Line sa pahina 22]
Gitnang larawan: Państwowe Muzeum Oświęcim-Brzezinka, sa kagandahang-loob ng USHMM Photo Archives