Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hindi Niya Mapanatili ang Kaniyang Kopya

Hindi Niya Mapanatili ang Kaniyang Kopya

Hindi Niya Mapanatili ang Kaniyang Kopya

Isang negosyante ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Slovenia:

“Salamat sa regular na pagpapadala sa akin ng mga magasing Gumising! at Bantayan. Dinadala ko ang mga ito kapag nagbibiyahe ako, yamang binabasa ko ang mga ito habang naglalakbay at samantalang naghihintay para sa mga miting ukol sa negosyo.

“Nais ko ring hilingin sa inyo na padalhan ninyo ako ng sumusunod na mga publikasyon na nabanggit sa inyong mga magasin: Is There a Creator Who Cares About You?, Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?, at Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao.

“Gusto ko sanang magkaroon ng tig-dalawang kopya ng bawat publikasyon. Ito ay dahilan sa tuwing binabasa ko ang isa sa inyong mga publikasyon kapag nagbibiyahe ako, may iba na nagiging lubhang interesado sa binabasa ko. Bagaman gusto ko sanang panatilihin ito para sa aking sariling aklatan, ibinibigay ko sa taong iyon ang aking kopya.”

Naniniwala kami na ikaw man ay makikinabang nang malaki sa pagbabasa ng napakahusay na 32-pahinang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Ipinakikita ng publikasyong ito na ang ating Maylalang ay may dakilang layunin na malapit nang matupad. Maaari kang tumanggap ng isang kopya kung pupunan mo ang kasamang kupon at ipadadala ito sa direksiyong makikita sa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Padalhan ninyo ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Ilagay kung aling wika

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.