Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Kami ay Lubos na Nagpapasalamat!”

“Kami ay Lubos na Nagpapasalamat!”

“Kami ay Lubos na Nagpapasalamat!”

“NAKATITIYAK ako na ang mga artikulo ng Gumising! tungkol sa istrok [Pebrero 8, 1998] ay gumanap ng mahalagang papel sa pagpapanatili ng buhay ng aking ina,” isinulat ni Carol, sa isang liham sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Canada. Nakadama ang kaniyang ina ng pamamanhid sa kaliwang braso nito, at kinabukasan, ay nagsimula siyang magkaroon ng panlalabo ng mata. “Nais niyang ipagpabukas pa ang pagtungo sa kaniyang doktor,” paliwanag ni Carol, “kaya tahasan ko siyang hinimok na basahin ang mga artikulo ng Gumising! na tumatalakay sa mga istrok. Sa loob ng 15 minuto ay tumawag siyang muli, na nagsasabing mas mabuting pumunta na siya sa ospital. Pinanatili siya ng mga doktor nang magdamag para obserbahan. Kinabukasan ay tiniyak nila na nagkaroon siya ng ilang tanda ng istrok, at sinabi nilang mabuti at naisipan niyang magtungo sa ospital. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa seryeng ito ng mga artikulo!”

Maaaring mamangha kang malaman na ang Bibliya ay naglalaman ng praktikal na patnubay na nagtataguyod ng pisikal at mental na kalusugan. Ang katotohanang ito ay itinampok sa nakawiwiling 32-pahinang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, sa pahina 20 at 21 at gayundin sa pahina 25 at 26. Makahihiling ka ng kopya kung pupunan at ipadadala mo ang kalakip na kupon sa direksiyon na nasa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao. Isulat kung aling wika

□ Pakisuyong magpadala ng isa na makikipag-alam sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.