Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag naman sa pahina 19. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Anong pananalita ang madalas na ginagamit ni Jesus upang ikintal sa kaniyang mga tagapakinig ang ganap na kawastuan ng kaniyang mga pangungusap? (Mateo 5:18)
2. Sino ang sinabihan: “Ang pinakamababa ay katumbas ng isang daan, at ang pinakadakila ay ng isang libo”? (1 Cronica 12:8-14)
3. Kaninong pangalan ang madalas na nauugnay sa magigiting na mandirigma para kay David na nagngangalang Joab, Abisai, at Asahel? (2 Samuel 2:18)
4. Bagaman ang isa ay maaaring maging tudlaan ng pagkapoot dahil sa kaniyang pangalan, ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin ng isa upang maligtas? (Marcos 13:13)
5. Ilan ang anak ni Haman, na napatay lahat bunga ng kaniyang pagkapoot sa mga Judio? (Esther 9:10)
6. Anong uri ng espiritung nilalang ang sumaling sa mga labi ni Isaias sa pamamagitan ng nagbabagang uling upang maisakatuparan ni Isaias ang kaniyang makahulang atas? (Isaias 6:6)
7. Sino ang “tauhang-tagapangasiwa” ni Herodes, na ang asawa, si Juana, ay naglingkod kay Jesus? (Lucas 8:3)
8. Pinatibay ni Pablo ang mga lalaki sa kongregasyon na abutin ang anong responsableng posisyon? (1 Timoteo 3:1)
9. Ano ang mga pangalan ng apat na mga ilog na nagsanga mula sa “ilog na lumalabas mula sa Eden”? (Genesis 2:10-14)
10. Tinukoy ni Pablo na ang kaunting lebadura ay may-kakayahang gawin ang ano? (Galacia 5:9)
11. Ano ang mga pangalan ng tatlong anak na lalaki ni Noe, na pinagmulan ng “populasyon ng buong lupa”? (Genesis 9:18, 19)
12. Sino ang ama ni propeta Samuel? (1 Samuel 1:19, 20)
13. Sa palibot ng anong estratehikong lunsod ang pinangyarihan ng maraming mahalagang digmaan na mula roo’y matatanaw ang Libis ng Jezreel? (Hukom 5:19)
14. Palibhasa’y naligtas dahil sa kanilang panlilinlang, ang mga Gibeonita ay naatasan sa anong gawain? (Josue 9:27)
15. Anong katawagan ang ibinigay sa 12 alagad na personal na pinili ni Jesus? (Mateo 10:2)
16. Anong mga titulo na para lamang sa kaniya ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na hindi dapat itawag sa kanila? (Mateo 23:8, 10)
17. Sa anong lupain isinulat ni Pablo ang aklat ng Hebreo? (Hebreo 13:24)
18. Anong kataga ang ginamit ni Job upang ipahayag na muntik nang hindi niya naligtasan ang kamatayan? (Job 19:20)
19. Noong sinaunang panahon, saan inihihiwalay ang butil mula sa tangkay at sa ipa? (Ruth 3:3)
20. Sa anong mga kadahilanan napoot ang mga kapatid na lalaki ni Jose sa kaniya? (Genesis 37:3-11)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. “Katotohanang sinasabi ko sa inyo”
2. Ang maliliksi at malalakas ang loob na makapangyarihang mga lalaki ng tribo ni Gad na sumama kay David sa ilang habang siya ay nasa ilalim pa ng paghihigpit dahil kay Saul
3. Ang kanilang ina, si Zeruia
4. Magbata hanggang sa wakas
5. Sampu
6. Isang serapin
7. Cuza
8. “Katungkulan ng tagapangasiwa”
9. Pison, Gihon, Hidekel, at Eufrates
10. Magpaalsa sa buong limpak
11. Sem, Ham, at Japet
12. Elkana
13. Megido
14. Sila’y naging “mga tagakuha ng kahoy at mga tagasalok ng tubig para sa buong kapulungan at para sa dambana ni Jehova”
15. Mga apostol
16. Rabbi at Lider
17. Italya
18. “Ako ay bahagya nang nakatakas na gabalat ng aking mga ngipin”
19. Sa giikan
20. Dahil inibig siya ng kaniyang ama nang higit at dahil sa kaniyang mga panaginip