Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagbibigay ng Tunay na Pag-asa sa mga Tao

Pagbibigay ng Tunay na Pag-asa sa mga Tao

Pagbibigay ng Tunay na Pag-asa sa mga Tao

ISANG 17-taóng-gulang na kabataan mula sa Moldova na dating republika ng Sobyet ang sumulat sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova roon upang ipahayag ang pagpapahalaga sa serye sa pabalat ng Setyembre 8, 1998, na Gumising! na “Ano ang Pag-asa ng mga Kabataan sa Ngayon?” Ganito ang paliwanag ng sumulat:

“Halos hindi ko mapigil ang aking mga luha, at talagang kinailangan kong sumulat upang pasalamatan kayo. Ipinaalaala sa akin ng mga artikulo ang mga nadama ko kamakailan lamang. Nang magpapakamatay na sana ako, iniligtas ako ng mga Saksi ni Jehova, nang hindi nila namamalayan. Ang pakikipag-usap sa kanila hinggil sa pag-asa sa hinaharap at ang pagpapatibay sa aking pagtitiwala sa awa ng Maylalang ay tumulong sa akin na unti-unting mapanagumpayan ang aking panlulumo. . . .

“Ang inyong pagtulong sa mga tao na malaman ang layunin ng Diyos na pabutihin ang mga kalagayan sa buhay ay isang tunay na kapahayagan ng pag-ibig sa inyong kapuwa. Kitang-kita na ang mga pagsisikap na ito ay nagkakabunga. Ang inyong mga pagsisikap na maitampok ang pinakamahahalagang suliranin ng lipunan ay kapuri-puri. Sana ay ipagpatuloy ninyo ang kapaki-pakinabang na gawaing ito. Hihintayin ko ang bawat bagong labas ng magasing ito.”

Sa parapong “Kung Bakit Inilalathala ang Gumising!,” na makikita sa pahina 4 ng bawat labas, ay ganito ang sinasabi: “Pinatitibay ng magasing ito ang tiwala sa pangako ng Maylikha na isang payapa at tiwasay na bagong sanlibutan na malapit nang humalili sa kasalukuyang balakyot at magulong sistema ng mga bagay.” Pinalakas ng salig-Bibliyang pangako ng Diyos ang milyun-milyong tao sa palibot ng lupa upang maharap ang mga suliranin sa magulong panahong ito.

Masusumpungan mo na napakaganda ang paglalarawan sa tunay na pag-asa na iniaalok ng Maylalang sa 32-pahinang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Tingnan lalo na ang mga seksiyong “Malapit Nang Matupad ang Layunin ng Diyos” at “Mabuhay Magpakailanman sa Isang Lupang Paraiso.” Maaari kang humiling ng brosyur na ito kung pupunan mo at ihuhulog ang kalakip na kupon sa direksiyong nasa kupon o sa isang angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

◻ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?

◻ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.