Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Dapat na Nasa Diyos ang Aking Tiwala”

“Dapat na Nasa Diyos ang Aking Tiwala”

“Dapat na Nasa Diyos ang Aking Tiwala”

Ang sumusunod na liham ay iniwan sa isang Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa Edmonton, Alberta, Canada.

“Mahal na Mensahero:

“Ako ay sumulat upang pasalamatan ang tao na marahil ay walang kamalay-malay na nakalikha ng isang himala sa aking buhay.

“Ilang linggo na ang nakalilipas, kaming mag-asawa ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Kasasabi ko pa lamang ng mga salitang, ‘Malubha na ang pagtatalong ito anupat hindi ko na alam kung mapagtatagumpayan ko pa ito.’ Sa pagkakataong iyon ay may tumimbre sa pintuan. Ngayon ay may isang Saksi ni Jehova sa aking pintuan, at huli na ang lahat upang magtago.

“Nang buksan ko ang pintuan, talagang litung-lito ako para mapakinggan ang sinasabi niya. Ang naaalaala ko ay ang mga salitang ‘mga anak’ at ‘pamilya.’ Inilabas ng lalaki ang isang aklat na tinatawag na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Nang makita ko ang pamagat, napaiyak na lamang ako at hindi ko ito mapigil. Napatingin siya, at humingi siya ng paumanhin sa pagkakaabala sa akin, iniabot sa akin ang aklat, at umalis.

“Ang himala? Ang paalaala na kapag hindi ko na alam ang gagawin, hindi ako dapat mag-alala sapagkat ang Diyos ang nakaaalam. Dapat na nasa Diyos ang aking tiwala. Nagpadala pa nga siya ng isang mensahero. Salamat.”

Ang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay makatutulong sa bawat miyembro ng pamilya. Kabilang sa nakapagtuturong mga kabanata nito ay “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya,” “Panatilihin ang Kapayapaan sa Inyong Sambahayan,” at “Mapaglalabanan Mo ang mga Suliraning Pumipinsala sa Pamilya.”

Para sa iyong kopya, pakisuyong punan at ipadala sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyong nasa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito. Makatatanggap ka ng espesipikong mga mungkahi na makatutulong sa iyo na lutasin ang mga suliranin at gawing kaluguran ang buhay pampamilya na siyang layunin ng Maylalang para dito.

□ Padalhan ako ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.