Isang Kakaibang Sementeryo
Isang Kakaibang Sementeryo
NG KABALITAAN NG GUMISING! SA ECUADOR
SA BAYAN ng Ibarra, na nasa hilaga ng kabiserang lunsod ng Ecuador, ang Quito, ay may isang kakaibang sementeryo—el cementerio de los pobres (ang Sementeryo ng Mahihirap). Ano ang di-pangkaraniwan dito? Ang mga ipinintang larawan sa labas ng pader ay pinalaking bersiyon ng mga ilustrasyon na tuwirang kinuha mula sa mga publikasyon ng Samahang Watch Tower! * Ang larawan sa gitna ay isang paglalarawan kay apostol Juan, na kinuha sa pahina 7 ng aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito! Nasa ulunan ni Juan, sa wikang Kastila, ang tekstong: “Ang Kaharian ng Diyos ay nangangahulugan ng katuwiran at kapayapaan at kagalakan. Roma 14:17.” Sa kaliwa ay ang mga salita ng Mateo 11:28: “Pumarito kayo sa akin, lahat kayo na nagpapagal at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo,” mula sa New World Translation. Walang alinlangan, itinutuon ng pader na ito ng sementeryo ang pansin ng mga tao sa Salita ng Diyos.
[Talababa]
^ par. 3 Upang matugunan ang legal na mga kahilingan, kailangang humingi ng pahintulot bago kumopya ng mga artikulo o gawang-sining mula sa literatura ng Watch Tower, at ang mga ito ay dapat na tukuying pag-aari ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania.