Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Isang Makatotohanan at Praktikal na Giya”

“Isang Makatotohanan at Praktikal na Giya”

“Isang Makatotohanan at Praktikal na Giya”

NOONG nakaraang tag-araw sinuri ng Arkansas Democrat Gazette ang ilang aklat na nilimbag ng Watch Tower Bible and Tract Society. Hinggil sa isa sa mga ito, binanggit nito: “Ang mga Tanong ng mga Kabataan ay isang makatotohanan at praktikal na giya para sa mga pamilya, anuman ang kanilang kinabibilangang relihiyon. . . .

“Ang aklat na ito ay naglalaan ng maraming makatuwirang payo sa moral at emosyon sa mga mambabasa nito. Halimbawa, nauunawaan ng mga may-akda na ang lahat ng mga kabataan ay naghahangad ng kalayaan mula sa pagbabawal ng mga magulang, ngunit naglalaan ito ng sumusunod na mga payo sa mga kabataan:

“‘Gusto mo ba ng higit na kalayaan at responsibilidad? Patunayan mo kung gayon na ikaw ay responsable. Gawin mong may pagkaseryoso ang anumang gawain na iniatas sa iyo ng iyong mga magulang.’

“Iilan lamang magulang ang hindi magpapahalaga sa isang akda na patuluyang nagtuturo sa doktrina ng personal na pananagutan at laging nagpapaalala sa mga kabataan na igalang kapuwa ang kanilang sarili at ang iba. Bagaman ang aklat ay laging nagbibigay ng payo na nagmumula sa Bibliya, ito ay matatag na nakasalig sa praktikal na katuwiran. . . . Ang bahagi tungkol sa pagpapahalaga-sa-sarili ay lalong kahanga-hanga, yamang maraming kabataan ang nadaya na isiping ang walang kontrol na paghanga sa sarili ay kapaki-pakinabang.”

Pagkatapos sumipi mula sa aklat, nagpatuloy ang artikulo: “Ang malumanay na mga paalaalang ito na ang pagmamapuri-sa-sarili ay isang anyo ng pagmamataas at na ang pagpapakumbaba ang pundasyon ng Kristiyanong pamumuhay ay maaaring ang lunas sa popular at walang-katuturang mga ideya na pinaiisip sa mga kabataan ng kanilang mga kaibigan at tagapayong may mabubuting intensiyon.”

Kung nais mong makinabang mula sa impormasyon sa Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, maaari kang makatanggap ng isang kopya kung iyong pupunan at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyon na ipinakikita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Padalhan ako ng isang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.