Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kung Paano Magtatamasa ng Isang Maligayang Buhay Pampamilya

Kung Paano Magtatamasa ng Isang Maligayang Buhay Pampamilya

Kung Paano Magtatamasa ng Isang Maligayang Buhay Pampamilya

“APATNAPUNG taon ko nang binabasa ang mga magasing Bantayan at Gumising!,” ang isinulat ni Graciela na mula sa Argentina, Timog Amerika. “Sa ngayon, pagkalipas ng napakaraming taon, tunay na masasabi kong natugunan ng mga ito ang aking mga pangangailangan. Tinulungan ako ng mga ito noong panahon ng aking pagkabata, sa mga taon ng aking pagiging tin-edyer, sa pagliligawan at pag-aasawa, at sa pagpapalaki sa aking anim na anak.

“Tinulungan kaming mag-asawa ng mga magasin sa pagpapalaki sa aming apat na anak na kapisan pa rin namin sa bahay. Ginagamit ko ang mga magasin sa pakikipag-usap sa aking mga anak at sa kanilang mga guro sa paaralan. Bumabasa ako nang tuwiran mula sa Gumising! kapag nakikipag-usap sa mga doktor hinggil sa mga suliranin sa kalusugan. Dahil sa mga serye ng artikulo na may pamagat sa pabalat na “Tulong sa mga Batang may Kapansanan sa Pagkatuto” (Pebrero 22, 1997), natanto namin na ang isa sa aming anak na babae ay may suliranin sa pagkatuto.”

Ang mga publikasyon ng Samahang Watch Tower ay makatutulong sa mga pamilya na makayanan ang maraming suliranin na kinakaharap nila at magtamasa ng isang maligayang buhay nang magkakasama. Halimbawa, ang 192-pahinang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay makatutulong sa mga asawang lalaki, asawang babae, magulang, anak, lolo at lola​—oo, sa bawat miyembro ng pamilya. Kabilang sa mga nakapagtuturo nitong kabanata ay ang sumusunod: “Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol,” “Tulungan ang Iyong Anak na Tin-edyer na Sumulong,” “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya,” at “Mapaglalabanan Mo ang mga Suliraning Pumipinsala sa Pamilya.”

Para sa iyong kopya, pakisuyong punan ang kasamang kupon at ipadala sa koreo sa ibinigay na direksiyon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito. Tatanggap ka ng espesipikong mga mungkahi na makatutulong sa iyong malunasan ang mga suliranin at magpapangyaring ang buhay pampamilya ay maging kasiya-siya na siyang nilayon ng Maylalang para dito.

□ Padalhan ako ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Larawan sa pahina 32]

Si Graciela at ang kaniyang pamilya