Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagkasumpong sa Nawala

Pagkasumpong sa Nawala

Pagkasumpong sa Nawala

Noong nakaraang taon, sa Maryland, E.U.A., isang lalaki ang magalang na tumanggi sa mga magasing Bantayan at Gumising! Gayunman, itinanong ng kaniyang kabataang anak na babae kung maaari bang tanggapin niya ang mga ito, at pumayag naman ang ama. Ang dalawa ay naglilinis ng kanilang kotse at nagtatapon ng basura sa isang kalapit na basurahan. Nag-aalala na baka itapon ang mga magasin, ang Saksi na nag-alok sa kanila ay nagpasiyang bumalik mayamaya at tingnan ang basurahan.

Wala roon ang mga magasin, subalit isang portamoneda at pitaka ang naroon. Agad na nagsagawa ng pagdalaw sa babae na ang direksiyon ng bahay ay nasa loob ng portamoneda. Pagdating sa tirahan ng babae, nakita ng dalawang Saksi na dumadalaw ang isang babaing nasa kalagitnaang gulang na inaakay ang isang barakong kabayo patungo sa kamalig. Nang ibigay nila sa kaniya ang mga bagay, ang babae ay bumulalas: “Salamat sa Diyos at ang lahat ng importanteng bagay ay narito​—ang aking pasaporte, libreta ng tseke, mga credit card, at ang mga dokumento ng kabayo.” Sinabi niya na ang mga bagay na ito ay ninakaw noong isang gabi. Yamang kukunin na ang laman ng basurahan, mabuti na lamang at tiningnan ito.

Ang babae ay nag-alok ng pabuya, subalit sa halip na tanggapin ito, binigyan siya ng dalawa na nagbalik ng portamoneda at pitaka ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Upang ipahayag ang kaniyang pasasalamat, ang babae ay nagbigay ng isang tseke upang gamitin sa pagpapalawak ng pambuong-daigdig na pamamahagi ng gayong mga publikasyong salig sa Bibliya. At mula noon, nagkaroon siya ng tunay na interes sa pag-aaral ng Bibliya.

Kung nais mong tumanggap ng isang libreng kopya ng 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?, punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa direksiyon na nasa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

◻ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?

◻ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.