Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pangglobong Kalakalan Nais ko kayong pasalamatan nang lubos sa malinaw na impormasyon na iniharap ninyo sa artikulong “Pangglobong Kalakalan​—Ang Epekto Nito sa Iyo.” (Setyembre 8, 1999) Mas nauunawaan ko ngayon kung bakit may malaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap na bansa.

M. Z., Italya

Ako’y nag-aaral ng ekonomiks sa kolehiyo at katatapos ko lamang sa paksang kalakalang pandaigdig. Ang inyong artikulo ay may mga punto na hindi namin natalakay sa klase. Gagamitin ko ang mga ito sa aking pagsusulit sa susunod na buwan.

H. N., Zimbabwe

Maling Laser? Ang pitak sa “Pagmamasid sa Daigdig” na tinawag na “Walang-Sakit na Pagpapadentista?” (Oktubre 22, 1999) ay bumanggit hinggil sa paggamit ng “erbium:YAG laser para sa paggamot sa ngipin.” Hindi kaya ito ay dapat na “neodymium:YAG”?

D. B., Canada

Bagaman inilalarawan ng Academy of Laser Dentistry ang neodymium:YAG laser bilang “ang pinakakaraniwang ginagamit na wavelength sa dentistri,” binabanggit ng isang artikulo sa “The Journal of the American Dental Association” (Agosto 1997, Tomo 128, pahina 1080-7) ang paggamit ng erbium:YAG laser gaya ng inilarawan ng “FDA Consumer.”​—ED.

Crossword Puzzle May kinalaman sa mga crossword puzzle, maaari bang ilagay ninyo ang kumpletong mga sagot sa susunod na labas? Lagi kong binabasa muna ang magasin at saka ko sinasagutan ang puzzle sa dakong huli, at isang hamon na basahin ang pahina kung saan lumilitaw ang mga sagot nang hindi sinusulyapan ito.

J. L., Estados Unidos

Pinahahalagahan namin ang mungkahi. Gayunman, yamang ang “Gumising!” ay ipinamamahagi sa bahay-bahay, marami sa aming mga mambabasa ay hindi nakakakuha ng magkakasunod na mga labas. Kaya inaakala naming pinakamabuting ilagay ang mga sagot sa iisang labas. Sikapin mong huwag sulyapan ang mga ito nang patiuna!​—ED.

Pangkukulam Ako po’y 13 anyos, at may nakilala po akong isang batang babae sa paaralan na naniniwala sa pangkukulam. Isang araw ay tinanong niya ako kung ano ang palagay ko tungkol dito. Sinabi ko sa kaniya na ako ay isa sa mga Saksi ni Jehova at na hindi ako naniniwala sa paggamit ng mga kapangyarihang may kaugnayan sa okulto. Nabalisa siya at mula noon ay maraming ulit niyang ibinangon ang tungkol sa bagay na ito. Nanalangin ako kay Jehova upang tulungan ako, at dumating ito sa anyo ng isang artikulo na “Ang Pangmalas ng Bibliya: Ano ang Nasa Likod na Pangkukulam?” (Nobyembre 8, 1999) Ibinigay ko sa kaniya ang artikulo, at mula nang mabasa ito, hindi na siya nagtanong tungkol sa palagay ko sa bagay na ito.

K. E., Estados Unidos

Mabaho Ngunit Masarap na Pagkain Maraming salamat sa artikulong “Surströmming​—Mabaho Ngunit Masarap na Pagkain.” (Hulyo 8, 1999) Hindi namin kailanman nabalitaan ang tungkol dito noon, kaya nakipag-usap kami sa isang kapananampalataya na taga-Sweden. Inilarawan niya ang masarap na pagkaing ito nang may kasiglahan at nang maglaon ay sinorpresa kami sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng dalawang de-lata nito. Isang grupo namin mula sa lokal na kongregasyon ang nagpasiyang kainin ito na magkakasama. Bilang pagsunod sa babala na nasa artikulo, binuksan namin ang mga de-lata sa labas sa hardin. Mabuti na lamang at gayon ang ginawa namin. Ang amoy ay higit pa kaysa sa aming pinakagrabeng inaasahan! Imposibleng magbigay kami ng magandang paglalarawan sa lasa! Subalit salamat sa artikulo, kung wala ito ay hinding-hindi kami magkakaroon ng gayong di-malilimot na karanasan.

C. B., Alemanya

RSD Nakalipas ang dalawang taon bago ako nakasulat upang ipahayag ang aking pasasalamat sa artikulong “RSD​—Di-Maipaliwanag, Makirot na Sakit.” (Setyembre 8, 1997) Hindi ko pa kailanman narinig ang tungkol sa sakit na ito hanggang matuklasan ko na mayroon ako nito sa aking kaliwang braso. Sinabi ng aking physical therapist na mas marami siyang natutuhan mula sa artikulo kaysa sa kaniyang mga pag-aaral sa kolehiyo. Sa paano man, salamat sa artikulo. Talagang nakatulong ito sa akin upang makapagbata.

L.M.K., Estados Unidos