Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagpapalaki ng mga Anak na Mahusay Makibagay—Paano?

Pagpapalaki ng mga Anak na Mahusay Makibagay—Paano?

Pagpapalaki ng mga Anak na Mahusay Makibagay​—Paano?

“Natututuhan ng mga anak ang paggalang-sa-sarili at pagpipigil-sa-sarili sa pamamagitan ng pagtanggap ng kapuwa pag-ibig at disiplina mula sa mga magulang,” ang sabi ng isang ulat sa The Gazette, isang pahayagan sa Montreal, Canada. Ano ang nasasangkot dito? Ayon sa klinikal na sikologo sa Montreal na si Constance Lalinec, mahalaga na magtakda ng maliwanag na mga limitasyon sa paggawi ng bata.

Napansin din ni Lalinec, na nagsasaliksik sa mga bata at mga pamilya, na “kapag hinahadlangan natin na maranasan ng mga bata ang bunga ng kanilang mga ikinikilos, hinahadlangan din natin ang karamihan sa kanilang pagkatuto.” Ang pagiging mapagpalayaw ay lubhang makaaapekto sa paglaki ng isang bata.

Ang subok-sa-panahon na matalinong payo sa pagpapalaki ng anak mula sa Bibliya ay angkop na angkop. Sinasabi nito: ‘Ang inyong salitang Oo ay mangahulugang Oo, ang inyong Hindi, Hindi.’ (Mateo 5:37) Minsang maitatag na ang makatuwirang mga alituntunin at naunawaan na ang mga ito ng inyong anak, ipatupad ang mga ito kaagad at sa paraang hindi pabagu-bago. Pagtibayin ang iyong mga salita sa pamamagitan ng gawa. Ito’y magbibigay ng maliwanag na mensahe sa mga anak hinggil sa mga alituntunin at mga inaasahan ng magulang​—na ‘aanihin [ng mga tao] kung ano ang kanilang inihasik.’ (Galacia 6:7; Roma 2:6) Ang hinahangad na tunguhin ng maibigin at epektibong disiplina ay upang matuto ang mga bata na sumunod sa mga alituntunin at na pagtiisan ang kabiguan at naantalang kasiyahan nang sa gayon ay mapasulong nila ang mga katangian na kailangan nila upang lumaking mahusay makibagay at responsableng mga adulto.

Masusumpungan ang higit pang payo tungkol sa kung ano ang sinasabi ng Diyos sa mga magulang hinggil sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak taglay ang pag-ibig sa aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Makatatanggap ka ng isang kopya ng 192-pahinang aklat na ito kung iyong pupunan at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyong nasa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

◻ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

◻ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.