Ang Paghahanap ng Isang Kabataan ng Kaalaman
Ang Paghahanap ng Isang Kabataan ng Kaalaman
Isang 16-na-taóng-gulang na estudyante sa haiskul sa Czech Republic ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Prague ng sumusunod na liham ng pasasalamat.
“Sa di-sinasadya’y nakabasa po ako ng inyong magasing Gumising! Hindi ko alam kung gaano na katagal nitong naiimpluwensiyahan ang malaking daigdig na ito, subalit sa palagay ko po’y labis-labis ang pagtanggap dito ng mga tao. Sa unang tingin pa lamang ay mapapamangha ka na sa dami ng impormasyon at mga katotohanang nakalakip sa mga artikulo. Ang totoong mga kuwento at mga payo na nilalaman ng Gumising! ay nagbubukas sa mga mata ng isa na walang kabatiran sa mga suliranin at mga panganib sa araw-araw.
“Hinahangaan ko po ang magasin hindi lamang dahil sa ito’y totoong nakapagtuturo kundi dahil din sa ito’y may malawakang pananaw kung tungkol sa mga tao at mga lahi. . . . Sa pamamagitan ng liham na ito ay nais ko pong ipahayag kung gaano kahalaga ang inyong pagsisikap na makasulat para sa amin. Sa ngalan po ng lahat ng mga mambabasa na katulad kong humahanga sa inyong akda, nagpapasalamat po ako sa inyo. Pakisuyo pong padalhan ako ng susunod pang mga isyu ng inyong magasing Gumising! . . . Pakisuyo rin pong padalhan ako ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?”
Natitiyak namin na makikinabang ka rin nang malaki sa pagbabasa ng magandang 32-pahinang brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Ipinakikita ng publikasyong ito na ang ating Maylalang ay may isang dakilang layunin na malapit nang matupad. Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyong makikita sa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?
□ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.