Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kalupitan ng Tao—Magwawakas Pa Kaya Ito?

Kalupitan ng Tao—Magwawakas Pa Kaya Ito?

Kalupitan ng Tao​—Magwawakas Pa Kaya Ito?

Isang kopya ng Marso 8, 2000, na isyu ng Gumising! na tumatalakay sa kontrobersiyal na suliranin ng pang-aalipin, na nakalulungkot namang nagpapatuloy sa ilang bahagi ng daigdig, ang ibinigay sa Minister for Social Solidarity ng Italya na si Livia Turco. Sa isang liham sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Italya, kinilala niya:

“Ang makabagong mga anyo ng pang-aalipin, na nakaaapekto lalo na sa mga babae at mga bata, ay kumakatawan sa isang malaking kagipitan na kung saan milyun-milyong tao ang nagdurusa pa rin sa di-makataong mga kalagayan.” Siya’y nagtapos: “Bawat opinyon na ipinahahayag bilang pagkagalit laban sa hindi kanais-nais na katotohanang ito ay isang napakahalagang kontribusyon, at kapag naabot nito ang publiko na kasinlawak ng mga mambabasa ng [Gumising!], ito’y lalong epektibo.”

Dahil sa pamamahagi ng mahigit na 20 milyong kopya ng bawat isyu ng Gumising! sa 82 wika, ang milyun-milyong mambabasa ay hindi lamang nabibigyang-impormasyon hinggil sa kalikasan ng mga suliranin sa ngayon kundi napaglalaanan din ng salig-Bibliyang mga lunas sa mga ito.

Ngunit, ang tanong ay nananatili, Kung talagang may Diyos, bakit niya pinahihintulutan ang kahila-hilakbot na pagdurusa ng inosenteng mga tao? Marami ang nagtatanong, ‘Paano ko maiibig ang isang Maylalang na ang karunungan ay makikita sa mga kamangha-manghang paglalang ngunit tila walang pagdamay para sa mga tao sa ngayon?’ Ang gayong mga tanong ay sinasagot sa isang nakasisiyang paraan sa brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog sa koreo sa direksiyong nasa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?

□ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.