Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pag-opera Nang Walang Dugo—Isang Kuwento ng Tagumpay

Pag-opera Nang Walang Dugo—Isang Kuwento ng Tagumpay

Pag-opera Nang Walang Dugo​—Isang Kuwento ng Tagumpay

Pagkatapos ilathala sa Enero 8, 2000, na isyu ng Gumising! ang tungkol sa paksa ng paggamot at pag-opera nang walang dugo, natanggap ng mga patnugot ang nakapagpapasiglang sulat na ito.

“Ang isyung ito ng Gumising! ay nagpaalaala sa akin sa situwasyon na nakaharap naming mag-asawa tungkol sa aming anak na babae, si Janice. Di-nagtagal pagkatapos siyang maisilang, nasuri siya na may limang depekto sa puso at ang pinakamaselan sa mga ito ay ang pagkakapalit ng malalaking ugat sa puso. * Yamang kailangan ang pag-opera, nakahanap kami ng isang siruhanong espesyalista sa puso ng mga bata sa Buffalo, New York, E.U.A., na pumapayag na mag-opera nang walang dugo.

“Sa edad na apat na buwan, inoperahan si Janice sa unang pagkakataon​—isang closed-heart surgery upang bahagyang pigilin ang pagdaloy ng dugo sa kaniyang mga baga. Pagkaraan ng limang buwan, inoperahan siyang muli​—open-heart surgery naman ngayon ang ginamit upang itama ang daloy ng dugo. Ang dalawang operasyon ay ginawa nang walang pagsasalin ng dugo, at ang mga ito’y lubos na matagumpay!

“Si Janice ngayon ay 17 taóng gulang at may napakabuting kalusugan. Nagpapasalamat kami sa mga siruhanong malalakas ang loob na pumapayag na igalang ang aming paninindigan tungkol sa dugo. Talaga nga, sila ang tulad ng itinawag ninyo sa kanila sa isyu ng Enero 8, ‘Mga Nangunguna sa Medisina.’ Bilang sagot sa tanong na ibinangon ng magasing iyon, Ang pag-opera ba nang walang dugo ay isang ligtas na panghalili? makasasagot kami nang may pananalig na, tiyak iyan!”

[Talababa]

^ par. 3 Sa kalagayang ito, nagkapalit ng puwesto ang aorta at ang pulmonary artery. Kaya, ang dugong puno-ng-oksiheno na dapat dalhin sa buong katawan ay nadadala lamang sa mga baga. Iniulat ang isang nakakatulad na pangyayari sa aming isyu ng Awake! ng Abril 8, 1986, mga pahina 18-20.

[Larawan sa pahina 31]

Pagkatapos ng kaniyang mga operasyon

[Larawan sa pahina 31]

Si Janice at ang kaniyang mga magulang sa ngayon