“Saludo Ako sa Inyong Lahat”
“Saludo Ako sa Inyong Lahat”
IYAN ang isinulat ng isang debotong Katoliko mula sa Fairhope, Alabama, E.U.A., tungkol sa literatura ng mga Saksi ni Jehova at sa mga nagdadala nito sa kaniya.
“Ang mga magasing Bantayan at Gumising! ay ekselente ang pagkakasulat at ang inilalahad na mga pangyayari,” aniya. “Lagi akong maligaya kapag ang ilan sa inyong mga tao ay dumarating upang dalhan ako ng isang kopya ng bawat magasin. At kapuwa ko binabasa ang mga ito.
“Ang inyong mga tao ay mababait at magagalang, at natutuwa akong makita ang mga taong gumagawa ng gawain ng Diyos (ni Jehova) na may ngiti. Nitong huling pagkakataon, dalawang maliit na bata ang nagtungo sa aking bahay at ipinakilala ang kanilang sarili at inalok ako ng mga magasin. Pinasalamatan ko sila at natutuwa akong makita ang mga kabataang gumagawa ng mabubuting gawa sa halip na maging mga basagulero.
“Ako’y isang debotong Katoliko . . . , ngunit hinahangaan ko ang mahusay na gawain ng inyong organisasyon at ang mga taong gumagawa nito. Mula sa kaibuturan ng aking puso, masasabi kong talagang nasisiyahan ako sa inyong mga magasin at hinahangaan ang iyong kahanga-hanga at nakangiting mga tao. . . . Saludo ako sa inyong lahat. Ipagpatuloy ninyo ang mabuting gawa.”
Ang mga Saksi ni Jehova ay naglalaan din ng mga publikasyon upang sapatan ang espesipikong mga pangangailangan. Ang isa ay ang 32-pahinang brosyur na pinamagatang Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Ipinakikilala sa 16 na aralin nito kapuwa ang mahahalagang turo ng Bibliya at kung ano ang sinasabi ng Bibliya na kailangan nating gawin upang tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung gusto mong humiling ng isang libreng kopya, punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa direksiyong nasa kupon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.