Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang sagot sa pagsusulit na ito ay masusumpungan sa siniping mga teksto sa Bibliya, at ang kumpletong listahan ng mga sagot ay nasa pahina 14. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Maging tao, hayop, o pananim man, ano ang hiniling ni Jehova na ihandog sa kaniya? (Kawikaan 3:9)
2. Sa Kautusan, kinilala ni Jehova ang anong kagamitang pansaka na maaaring maling gamitin bilang sandata? (Exodo 21:18)
3. Sa paghahanda para sa pagtatayo ng templo, ano ang iniatas ni Haring David na gawin ng mga naninirahang dayuhan? (1 Cronica 22:2)
4. Habang nasa daan patungong Emaus, sino ang nagpahiwatig na si Jesus ay maaaring isang dayuhan dahil tila hindi niya alam kung ano ang naganap sa Jerusalem? (Lucas 24:18)
5. Sino ang laging itinatala na pangalawa sa mga anak ni Noe, bagaman maaaring siya ang bunso? (Genesis 5:32)
6. Sinong saserdote mula sa angkan ni Aaron ang itinuring na dalubhasang tagakopya at tagaturo ng Kautusan? (Nehemias 8:13)
7. Ayon sa Deuteronomio 21:20, 21, sa anong mga paggawi babatuhin hanggang mamatay ang isang sutil na anak?
8. Ang Bul, ang ikawalong buwan sa sagradong kalendaryo ng mga Judio, ay nakilala sa anong mga nagkakasalungatang pangyayari na nagsasangkot sa pagsamba ng mga Israelita? (1 Hari 6:38; 12:26-33)
9. Anong karaniwang sangkap ang naging sagisag ng katatagan at pagkapermanente? (Bilang 18:19)
10. Ano ang naghudyat sa nakatatandang kapatid ng alibughang anak na may kakaibang nangyayari sa bahay nila? (Lucas 15:25)
11. Saan ibinuhos ng ikapitong anghel ang kaniyang mangkok ng galit ng Diyos? (Apocalipsis 16:17)
12. Ano ang silangang hangganan ng imperyo ng Persianong hari na si Ahasuero? (Esther 1:1)
13. Sa isang pangitain, sino ang nakita ni Juan na nakaupo sa mga tronong nakapalibot sa trono ni Jehova? (Apocalipsis 4:4)
14. Ano ang tawag ni Jesus sa mga umiibig-sa-tradisyong Fariseo? (Mateo 15:14)
15. Ano ang tawag ng mga taong sinauna sa Mediteraneo mula nang panahon ni Moises patuloy? (Bilang 34:6)
16. Ano ang ginagawa ng bating na Etiope nang nilapitan ni Felipe ang kaniyang karo? (Gawa 8:28)
17. Ano ang ginagawa sa isang aliping Hebreo upang ipahiwatig na ayaw na niyang lumaya mula sa kaniyang panginoon? (Exodo 21:6)
18. Saan dinala ng mabuting Samaritano ang halos-patay na Israelita na nakita niya sa daan? (Lucas 10:34)
19. Sino ang unang matuwid na haring namahala sa kaharian ng Juda? (1 Hari 15:11)
20. Sino ang punong artisano at tagapagtayo ng tabernakulo, at sino ang kaniyang punong kawani? (Exodo 31:2-6)
21. Ano ang sinasabing kaugnayan ni Jesus sa Kristiyanong kongregasyon, na nagtatampok ng kaniyang pagkaulo at maibiging pag-aruga? (Efeso 5:22, 23; Apocalipsis 21:2)
22. Sinong kilalang babae ang nakarinig sa pagtatanggol ni Pablo sa Areopago ng Atenas at naging isang mananampalataya? (Gawa 17:33, 34)
23. Ano ang ibinulalas ni Gobernador Festo na ginagawa raw ng “malaking kaalaman” kay Pablo? (Gawa 26:24)
24. Anong hayop ang sinakyan ni Jesus nang may pagtatagumpay sa Jerusalem? (Juan 12:14, 15)
Mga Sagot sa Pagsusulit
1. Ang mga unang bunga
2. Ang asarol
3. Tumabas ng bato
4. Si Cleopas
5. Si Ham
6. Si Ezra
7. Katakawan at paglalasing
8. Tinapos ni Solomon ang pagtatayo ng templo sa Jerusalem; walang pakundangang ginawa ito ni Jeroboam na isang buwan ng kapistahan sa hilagang kaharian upang ilihis ang pansin ng mga tao mula sa Jerusalem at sa mga kapistahan doon
9. Asin
10. “Narinig niya ang isang konsiyerto ng musika at sayawan”
11. “Sa hangin”
12. India
13. Dalawampu’t apat na matatanda
14. “Mga bulag na tagaakay”
15. Ang Malaking Dagat
16. Binabasa ang hula ni Isaias
17. Bubutasan ang kaniyang tainga sa pamamagitan ng balibol
18. Sa isang bahay-tuluyan
19. Si Asa
20. Si Bezalel at Oholiab
21. Isang asawang lalaki
22. Si Damaris
23. Itinutulak siya sa kabaliwan
24. Isang bisiro ng asno