Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Ang Buong Akala Ko’y Ako Lamang”

“Ang Buong Akala Ko’y Ako Lamang”

“Ang Buong Akala Ko’y Ako Lamang”

ANG nabanggit sa itaas ay sinabi ng 13-taóng-gulang na si Ulrike mula sa California, E.U.A., may kinalaman sa kaniyang pag-aaral sa aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Sumulat siya:

“Talagang pinahahalagahan ko ang bagay na isinulat ninyo ang kabanatang ‘Makapananagumpay ang mga Pamilyang May Nagsosolong Magulang!’ Natulungan ako nitong maging mas mabait at mas matulungin sa aking ina dahil siya’y isang nagsosolong magulang. Natulungan din ako nito na higit na maunawaan kung ano ang kaniyang nadarama. Ang buong akala ko’y ako lamang ang nagdurusa ang kalooban.” Nagtapos ang kabataan sa pagsasabing: “Natulungan ako nang malaki ng aklat na iyan!”

Milyun-milyon sa buong mundo ang natulungan na ng aklat na ito na may 192 pahina. Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay maaaring makatulong sa lahat ng miyembro ng pamilya​—mga asawang lalaki, asawang babae, magulang, anak, at mga lolo’t lola​—oo, sa lahat. Kasama sa nakapagtuturong mga kabanata nito ang “Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol,” “Tulungan ang Iyong Anak na Tin-edyer na Sumulong,” “Ipagsanggalang ang Iyong Pamilya sa mga Mapaminsalang Impluwensiya,” at “Panatilihin ang Kapayapaan sa Inyong Sambahayan.”

Upang magkaroon ng iyong kopya, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kasamang kupon sa direksiyong nasa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito. Makatatanggap ka ng espesipikong mga mungkahi na makatutulong sa iyo upang malutas ang mga problema at maging kasiya-siya ang buhay pampamilya na siyang nilayon ng Maylalang.

□ Interesado akong magkaroon ng kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.