Kung Bakit May Krisis sa Moral
Kung Bakit May Krisis sa Moral
NOONG nakaraang Oktubre, isang manunulat sa Loja, Ecuador, ang nagpahayag ng pagpapahalaga sa ministeryo ng mga Saksi ni Jehova. Kabilang sa ibang mga bagay, sinabi niya:
“Ang isa sa pinakagrabeng salot na nagpapahirap sa sangkatauhan ay ang krisis sa moral . . . Waring nakalimutan na ng mga tao na tuparin ang Sampung Utos at binabale-wala na ang kanilang budhi, na pawang nakahahadlang sa pag-uunawaan ng mga tao. Sa lahat ng dako at sa araw-araw, naririnig natin ang tungkol sa poot, karahasan, krimen, ilegal na kalakalan ng droga, terorismo, at kawalan ng paggalang sa dignidad ng tao. . . .
“Hindi naman sa pagyayabang, isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang tungkulin sa mapayapa at mahinahong paraan, dinadalaw ang kanilang mga kapuwa sa bahay-bahay, at iniaalok ang kanilang dalawang magagandang magasin, Ang Bantayan at Gumising!, kung saan inilalathala ang pinakakawili-wiling mga artikulo. Ang Gumising! lalo na ay tumatalakay sa iba’t ibang kawili-wiling paksa na may napakahusay na nilalaman tungkol sa siyensiya at kultura. Lahat ng ito ay isinulat na kahanga-hanga ang pagiging malinaw at katumpakan.”
Maliwanag na may krisis sa moral sa ngayon, subalit gaya ng binabanggit sa pahina 4 ng magasing ito sa bahaging “Kung Bakit Inilalathala ang Gumising!,” ‘sinusuri ng Gumising! ang tunay na kahulugan ng kasalukuyang mga pangyayari.’ Kinikilala ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? ang paghihirap na tiniis na ng mga tao, subalit higit pa ang ginagawa nito. Ipinakikita nito kung bakit may krisis sa moral taglay ang kakila-kilabot na mga bunga nito. Higit na mahalaga, isinisiwalat nito kung paano malapit nang magkaroon ng kaginhawahan.
Maaari kang humiling ng isang kopya ng nakaaaliw na 32-pahinang brosyur na ito sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon sa direksiyon na ipinakikita sa kupon o sa anumang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.