Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Ipinakikita Ninyo ang Pag-ibig sa Lahat’

‘Ipinakikita Ninyo ang Pag-ibig sa Lahat’

‘Ipinakikita Ninyo ang Pag-ibig sa Lahat’

ANG mga salitang ito ng komendasyon ay iniliham sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Yugoslavia, isang lupain na kung saan ang mga tao na iba’t iba ang mga etnikong pinagmulan ay naglalaban-laban sa isa’t isa sa loob ng mga siglo. Ganito ang sabi ng liham:

“Mahal na mga Ginoo,

Marami na akong narinig tungkol sa inyo na mga Saksi ni Jehova sa aking katutubong bayan, sa Sarajevo, ngunit hindi ako naging interesado kailanman sa inyong paniniwala hanggang noong nakalipas na tag-araw nang magkaroon ako ng pagkakataon na makadalo sa inyong kombensiyon sa Alemanya. Lubos akong humanga na makita ang mga tao mula sa Croatia, Yugoslavia, at Bosnia na umuupong magkakasama nang payapa at tinatawag pa nga ang isa’t isa na brother at sister. Ngayon lamang ako nakakita ng gayon! Ang inyong pag-ibig sa isa’t isa ay nagbibigay ng matibay na patotoo na ang pulitika ay hindi makapagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa gitna ninyo. Nawa’y pagpalain kayo ng Diyos sa pag-ibig na inyong ipinakikita sa lahat!”

Ang mga ulat na tulad nito mula sa mga dako na kung saan ang mga tao ay matagal nang nagkikimkim ng poot ay nagbabangon ng katanungan, Magkakaroon pa kaya ng isang daigdig na walang digmaan? Ito ang paksa ng isang 32-pahinang brosyur na naglalaan ng matibay na patotoo na ang gayong daigdig ay maaaring matamo. Ngunit paano? At kailan?

Maaari kang humiling ng brosyur na ito kung iyong pupunan at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyon na ipinakikita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Will There Ever Be a World Without War?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.