“Nilayon Tayong Mabuhay Magpakailanman”
“Nilayon Tayong Mabuhay Magpakailanman”
Iyan ang naging konklusyon ng isang lalaki mula sa Kasama, Zambia, hinggil sa aklat na Is There a Creator Who Cares About You? Siya’y sumulat hinggil sa ating Maylalang:
“Nagkaroon ako ng lubos na bagong kaunawaan tungkol kay Jehova nang matapos kong basahin ang aklat. Lalo akong napalapit sa kaniya nang matapos kong mabasa ang hinggil sa kung gaano kasalimuot ang pagkagawa sa ating mga katawan. Walang alinlangan na nilayon tayong mabuhay magpakailanman.”
Isinasaalang-alang ang gayong katibayan sa kabanata 4, na pinamagatang “How Unique You Are!” na tumatalakay hindi lamang sa pisikal na kayarian ng utak kundi maging ang wika, talino, at kaisipan ng tao.
Inaanyayahan namin kayong suriin ang makasiyensiyang katibayan at tingnan kung hindi kayo sasang-ayon sa konklusyon na nabuo sa aklat: “Habang tayo’y higit na natututo tungkol sa gawain ng ating utak at isip, mas madaling makita kung bakit milyun-milyong tao ang nagkaroon ng konklusyon na ang sinadyang pag-iral ng tao ay patotoo ng isang Maylalang na nagmamalasakit sa atin.”
Maaari kang humiling ng isang kopya ng 192-pahinang aklat na ito kung iyong pupunan at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyon na ipinakikita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Is There a Creator Who Cares About You?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA