Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga talata sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 23. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyon na “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Nang matalo ang mga Israelita sa Ai dahil sa paglabag sa mga tagubilin ng Diyos hinggil sa Jerico at walang sinumang umamin, paano ibinunyag ang nagkasala? (Josue 7:14-21)
2. Bakit pinatay ni Jehova ang anak ni Juda na si Onan? (Genesis 38:7-10)
3. Sino ang nag-akala na ang matuwid na si Hana ay lasing at pinagwikaan ito? (1 Samuel 1:13, 14)
4. Bakit sinabi ni Jesus na ang mga eskriba ay “tatanggap ng mas mabigat na hatol”? (Lucas 20:46, 47)
5. Sino ang sumulat ng dalawang aklat ng Cronica? (Nehemias 12:26)
6. Sa Bibliya, ano ang ginagamit sa makasagisag na paraan upang kumatawan sa kakayahang gumamit ng lakas o kapangyarihan? (Jeremias 32:17)
7. Anong salita ang ginagamit sa Bibliya para sa sukat ng lupa na kayang araruhin ng isang pareha ng toro sa isang araw? (1 Samuel 14:14)
8. Saan matatagpuan ang Negeb? (Exodo 26:18)
9. Ang mga Ehipsiyo, Etiope, at ang mga Canaanita ay mga inapo ng sinong anak ni Noe? (Genesis 10:6)
10. Sa anong buwang lunar natapos ang templo ni Solomon? (1 Hari 6:38)
11. Anong halaman ang gumanap ng mahalagang papel sa paggapi ni David sa mga Filisteo sa mababang kapatagan ng Refaim? (2 Samuel 5:24)
12. Sa anong karagdagang paraan inaani ng ikaapat na mangangabayo sa Apocalipsis ang sarili niyang mga biktima? (Apocalipsis 6:8)
13. Bakit tinawag na “mga lalaking bantog” ang mga Nefilim? (Genesis 6:4)
14. Sa utos ni Jehova, ano ang ginawa upang makita ng mga salinlahi sa hinaharap ang manna na kinain ng mga Israelita sa iláng? (Exodo 16:32, 33)
15. Ano ang alam ni Timoteo “mula pagkasanggol” na “makapagpaparunong sa [kaniya] ukol sa kaligtasan”? (2 Timoteo 3:15)
16. Sino ang sumagip sa katawan ni Saul at ng kaniyang mga anak mula sa pader ng Bet-san, kung saan sila ibinitin ng mga Filisteo, at binigyan sila ng mapitagang libing? (1 Samuel 31:11-13)
17. Sa anong lugar tinawag ni Jesus sina Pedro, Andres, Santiago, at Juan upang maging kaniyang mga tagasunod? (Mateo 4:18-22)
18. Sinong hari ng Asirya ang binigyan ng tributo ni Menahem, na hari ng Israel, upang hindi nito gambalain ang Israel? (2 Hari 15:19)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Inilagay ni Jehova ang bansa sa pagsubok, na pinipili muna ang tribo, pagkatapos ang pamilya, pagkatapos ang sambahayan, at pagkatapos ang lalaking si Acan
2. Palibhasa’y sinuway niya ang kaniyang ama at kumilos nang may kaimbutan, sinalungat ni Onan ang pagkakaloob ng tagapagmana para sa kaniyang namatay na kapatid na lalaki na si Er
3. Ang mataas na saserdoteng si Eli
4. Sapagkat mariing hinahangad nila ang katanyagan at may-kasakimang “lumalamon sa mga bahay ng mga babaing balo,” at nagpakita ng huwad na kabanalan sa pamamagitan ng kanilang mahahabang panalangin
5. Si Ezra
6. Ang bisig
7. “Akre”
8. Sa timog
9. Si Ham
10. Bul
11. Ang baca
12. Sa pamamagitan ng “nakamamatay na salot”
13. Tumutukoy ito, hindi sa kabantugan sa harap ng Diyos, kundi sa panghihilakbot na pinalaganap nila bilang mga maton at mga maniniil
14. Isang banga ang pinunô ng isang takal na omer ng manna at inilagay sa “harap ni Jehova”
15. “Ang banal na mga kasulatan”
16. Ang matatapang na lalaki mula sa Jabes-gilead
17. Sa Dagat ng Galilea
18. Si Pul (Tiglat-pileser III)