Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Halika, Pakinggan ang Walang-Bayad na Pahayag Pangmadla

“Kung Bakit Kailangang Magbigay-Pansin sa mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos”

“Kung Bakit Kailangang Magbigay-Pansin sa mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos”

SIMULA sa buwang ito, ang pahayag sa itaas ay bibigkasin bilang isang tampok na bahagi sa 54 na tatlong-araw na “Mga Tagatupad ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas. Sa mga kombensiyong ito, 18 ang idaraos sa wikang Cebuano, at 15 sa wikang Tagalog, 11 sa wikang Iloko, 1 sa wikang Ingles, at 9 sa 4 na iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang temang nasa itaas ay itatampok sa mahigit na 2,000 gayong kombensiyon sa mahigit na 150 bansa sa buong daigdig.

Noong ika-20 siglo, nakagawa ang mga tao ng kagila-gilalas na mga bagay at walang-alinlangan na sa ika-21 siglo ay marami pa silang magagawa. Subalit tunay ngang walang kabuluhan ang mga nagawang ito ng tao kung ihahambing sa mga nagawa ng Diyos! Hindi nga kataka-taka na ganito ang paghimok ng isang marunong na tao noong una: “Tumigil ka at magbigay-pansin ka sa mga kamangha-manghang gawa ng Diyos”!​—Job 37:14.

Anong mga aral ang ating matututuhan mula sa mga nilalang na nasa ating paligid, gaya ng pagtaas at pagbaba ng dagat, ang ulan, ang niyebe, at ang hangin? Paano ba dapat makaimpluwensiya sa ating buhay sa ngayon ang pinagmulan ng mga ito? Ang mga ito at ang iba pang mga tanong ay sasagutin sa pahayag.

Makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa iyong lugar o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito ukol sa dako ng kombensiyon na pinakamalapit sa iyo.