Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Nag-aalinlangan Ngunit Nagsasaliksik Pa Rin

Nag-aalinlangan Ngunit Nagsasaliksik Pa Rin

Nag-aalinlangan Ngunit Nagsasaliksik Pa Rin

SA ISANG liham sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Slovenia, isang lalaki na nagsabing siya ay nabautismuhan bilang isang Romano Katoliko ang humiling: “Pakisuyong padalhan ninyo ako ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Nais ko ring malaman kung paano ako regular na makatatanggap ng magasing Gumising! sa aking tahanan.”

Ipinaliwanag ng lalaki: “Sana’y maunawaan ninyo ako. Nag-aalinlangan ako pagdating sa relihiyon, ngunit nagulat ako nang nabasa ko ang Gumising! dahil hindi naman pala ito dogmatiko pero ipinaliwanag nito ang mga bagay-bagay sa paraang tuwiran at nakapagtuturo. Pagkatapos ay tinukoy niya ang isang kilalang-kilalang magasing panrelihiyon at sinabi na literal na bini-brainwash nito ang mga tao.

Ipinaliwanag ng lalaki kung bakit hindi niya pinunan ang kupon na nasa likod ng Gumising! upang humiling ng brosyur na Hinihiling kundi sa halip ay sumulat ng isang personal na liham. “Ayokong sirain ang magasing Gumising!,” sabi niya. “Gusto kong itago ito nang buo!”

Ang 32-pahinang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? ay naglalaman ng 16 na aralin. Sa mga ito ay sinasabi ang mga saligang turo ng Bibliya at inihaharap ang impormasyon mula sa Bibliya upang ipakita kung ano ang kailangan nating gawin upang matamo ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung nais mo rin na humiling ng isang kopya ng brosyur na ito, punan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyon na ipinakita sa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Larawan sa pahina 32]

113 million copies 240 languages