Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
ANG MAKABAGONG DAIGDIG ay napakaraming problema. Nawawasak ang pagsasama ng mga mag-asawa. Laganap ang karahasan sa pamilya. Daan-daang milyon katao ang nagugutom. Nasa lahat ng dako ang krimen. Mahirap masumpungan ang kapayapaan at katiwasayan. Bakit ganito ang kalagayan natin? Mayroon bang anumang solusyon?
Ang Bibliya ay hindi lamang nagbibigay ng kasagutan sa mga tanong na ito kundi nagbibigay rin ng patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kung gayon, hindi ba dapat tayong maging interesado sa sinasabi ng Bibliya?
Sinasabi ng ilang tao na ang Bibliya ay isang kalipunan lamang ng mga mitolohiya, alamat, at kuwentong-bayan. Pinaniniwalaan naman ng iba na ang Bibliya ay kinasihang Salita ng Diyos. Aling pangmalas ang tama? Ang aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? ay tutulong sa iyo na masagot ang katanungang iyan. Inaanyayahan ka namin na isaalang-alang mo ang mga bagay na ito. Maaaring baguhin ng pagbabasa mo nito ang iyong buhay magpakailanman.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Alejandrong Dakila: Roma, Musei Capitolini