Mga Awto, Noon at Ngayon
Mga Awto, Noon at Ngayon
SAPOL noong sinaunang panahon, naging interesado na ang tao sa transportasyon. Noong una, umaasa ang tao sa mga hayop para makapaglakbay. Subalit kinailangang maging mas mahusay ang mga paraan ng paglalakbay. Ang isang mahalagang salik ay ang sasakyan, na umakay sa pagkakaroon ng mga karitela at kalesa. Gayunman, ang mga imbensiyon noong ika-19 na siglo ang nagpabago sa transportasyon sa mga paraang hindi man lamang naisip noon.
Pinaghusay na mga Makina
Noong huling kalahatian ng ika-19 na siglo, isang Aleman na nagngangalang Nikolaus August Otto ang gumawa ng four-stroke na makinang pinaaandar ng gas, na pumalit nang dakong huli sa mga makinang pinaaandar ng singaw at kuryente. Sina Carl Benz at Gottlieb Daimler mula sa Alemanya ay kilalang mga tagapanguna sa paggawa ng awto sa Europa. Noong 1885, nakapagpatakbo si Benz ng isang kotse na may tatlong gulong sa pamamagitan ng makinang may siklong dalawang istrok at isang silindro na umabot sa 250 ikot bawat minuto. Si Daimler ay nakagawa ng
makinang de-gas na nakapirmi sapol pa noong 1872. Pagkatapos ng mahigit na isang dekada, kasama si Wilhelm Maybach, nakagawa siya ng isang makinang mabilis umikot kung saan sinusunog sa loob ng makina ang krudo at gasolina (high-speed internal combustion) at may isang karburador na maaaring gamitan ng gasolina bilang panggatong.Hindi nagtagal, sina Daimler at Maybach ay nakagawa ng isang makinang umabot sa 900 ikot bawat minuto. Nang maglaon, gumawa sila ng ikalawang makina, na inilagay nila sa isang bisikleta at pinatakbo sa kauna-unahang pagkakataon noong Nobyembre 10, 1885. Noong 1926, nagsanib ang mga kompanya nina Daimler at Benz at nagbenta sila ng mga kotse sa ilalim ng pangalang Mercedes Benz. * Kapansin-pansin, hindi kailanman nagkita ang dalawang taong ito.
Noong 1890 dalawang Pranses—sina Emile Levassor at René Panhard—ay gumawa sa kanilang talyer ng isang sasakyang may apat na gulong at may isang motor na nasa sentro ng tsasis. Nang sumunod na taon, inilagay nila ang motor sa dulong bahagi sa harapan, kung saan mas maiingatan ito sa maalikabok, maputik at baku-bakong mga lansangan.
Naging Mas Madali ang Pagkakaroon ng Awto
Ang unang mga awto ay may kamahalan, kaya naman, hindi ito kayang bilhin ng karamihan. Subalit nagbago ito noong 1908 nang simulan ni Henry Ford ang linya ng produksiyon (assembly line production) sa paggawa ng Model T, na naging kilala bilang tin lizzie. Binago ng kotseng ito ang * Ayon sa aklat na Great Cars of the 20th Century, ang Model T “ang naging daan upang magkaroon ng kotse ang Amerika at sa dakong huli ay ang buong mundo.”
industriya ng awto. Mura lamang ito, maraming gamit, at madaling mantinihin. Maging ang mga taong kumikita nang katamtaman ay makabibili ng kotse.Sa ngayon, pagkalipas ng halos isang siglo, itinuturing ng marami ang awto bilang isang pangangailangan sa halip na isang luho. Ang totoo, ipinakita ng isang pag-aaral na inilathala sa pahayagang Independent ng London na kung minsan ay ginagamit pa nga ng mga tao ang mga ito kahit isang kilometro lamang ang layo ng kanilang pupuntahan.
Hindi lamang ginawang mabilis ng mga pagsulong sa teknolohiya ang mga awto kundi pinaging mas ligtas din naman ito. Sa totoo lamang, nabawasan nitong nakalipas na mga taon ang nakamamatay na mga aksidente sa ilang bansa. Para sa ilang tao, mas isinasaalang-alang nila sa pagbili ang kaligtasan kaysa sa ganda ng hitsura ng kotse. Halimbawa, bunga ng pinaghusay na mga crumple zone sa mga sasakyan, nababawasan ang lakas ng pagbangga dahil sa nakokontrol ito ng pantanging mga bahagi ng tsasis, samantalang nagiging parang kulungang pangkaligtasan ang mas matibay na kaha ng kotse sa palibot ng nagmamaneho at mga pasahero. Mas mahusay na nakokontrol ang sasakyan sa madudulas na daan dahil sa mga prenong may kontrol sa biglang paghinto ng ikot ng gulong (antilock). Nakakabit ang sinturong pangkaligtasan sa tatlong lugar na *
nagsisilbing proteksiyon sa dibdib at balakang, samantalang iniingatan naman ng mga bag na may hangin (air bag) na huwag tumama ang ulo sa manibela o dashboard kapag may banggaan.Mangyari pa, walang kahalili ang mabubuting kaugalian sa pagmamaneho. “Walang silbi na gawing mas ligtas ang mga kotse kung hindi naman tama ang ating pagmamaneho; hindi tayo maililigtas maging ng pinakamakabagong teknolohiya sa kaligtasan kung lalabagin natin ang mga batas ng kalikasan,” ang sabi ng El Economista, ng Mexico City.
Ang ilang sasakyan sa ngayon ay parang nagiging mga bahay na de-gulong. Maraming kotse ang nagtataglay ng compact disc player, telebisyon, telepono, at magkahiwalay na mga kontrol para sa tunog at temperatura na nasa harap at likod nito. May mga kotse rin na may global positioning system na nakakonekta sa satelayt, anupat nakahahanap ang mga nagmamaneho ng pinakakombinyenteng ruta sa kanilang pupuntahan. Ang ilang sistema ay nagbibigay ng pinakabagong impormasyon tungkol sa mga problema sa daan. Mangyari pa, naging simbulo ng mataas na katayuan para sa maraming tao ang pagkakaroon ng pinakabago at pinakamodelong mga kasangkapan—isang tendensiya na hindi ipinagwawalang-bahala ng mga gumagawa ng kotse at tagaanunsiyo.
Gaya ng ating nakita, malayo na ang narating ng awto sapol nang una itong lumitaw mahigit na isang siglo na ang nakalilipas. Kung gagamitin sa makatuwiran at ligtas na paraan, maaari itong maging kapaki-pakinabang na instrumento para sa pagnenegosyo o sa nakasisiyang paglalakbay.
[Mga talababa]
^ par. 5 Si Emil Jellinek, isang pangunahing namumuhunan kay Daimler, ay nagmungkahi na ang kotse ay ipangalan sa kaniyang anak na babae, si Mercedes. Natakot siya na baka hindi kumita sa Pransiya ang Daimler na tunog Aleman ang pangalan.
^ par. 8 Ang halaga ng Model T noong una ay $850, subalit noong 1924 ang isang bagong Ford ay mabibili sa halagang kasimbaba ng $260. Nagpatuloy ang paggawa ng Model T sa loob ng 19 na taon, na sa panahong iyon ay mahigit na 15 milyon ang nagawa.
^ par. 10 Ang mga bag na may hangin ay maaaring maging mapanganib kung ito lamang ang gagamiting pamproteksiyon, lalo na sa mga bata at maliliit na adulto.
[Chart/Mga larawan sa pahina 22-25]
Ang mga taóng ipinakita ay ang panahon na ginawa ang mga sasakyan
1885 Benz Motor Car
Ang kauna-unahang praktikal na awto sa daigdig
1907-25 Rolls-Royce Silver Ghost
Mabilis, malakas humila, tahimik, marangya, at maaasahan
1908-27 Ford Model T
Pinasimulan nito ang maramihang produksiyon; mahigit na 15,000,000 kotse ang naibenta
Larawan sa likod: Ang linya ng produksiyon ng kotseng Ford
1930-7 Cadillac V16 7.4-L
Ang kauna-unahan sa daigdig at pinakamatagumpay na nagawang kotse na may makinang 16 ang silindro
1939—hanggang sa ngayon Volkswagen Beetle
Mahigit na 20,000,000 ang nagawa. Ang bagong Beetle (ibaba sa kaliwa) ay inilabas noong 1998
1941 hanggang sa ngayon Jeep
Maaaring ito ang pinakakilalang sasakyan sa daigdig
1948-65 Porsche 356
Ibinatay sa Volkswagen Beetle; pasimula ng tagumpay ng Porsche
1952-7 Mercedes-Benz 300SL
Tinaguriang Gullwing, ito ang kauna-unahang kotse na may space frame (tsasis) at makinang fuel injection
1955-68 Citroën DS 19
May hidraulikang presyon sa manibela nito, mga preno, 4-speed na kambiyo, at suspension na bumabalanse sa bigat ng kaha ng sasakyan
1959—hanggang sa ngayon Mini
Ang bago at popular na kotseng ito ay naging napakahusay rin na pangarera
1962-4 Ferrari 250 GTO
Isang napakahusay na pang-isport na pangarerang kotse na may 300 horsepower V-12
1970-3 Datsun 240Z
Maaasahan at kayang bilhing pang-isport na kotse
1970—hanggang sa ngayon Range Rover
Itinuturing na pinakamagaling na 4-wheel-drive sa daigdig para sa pang-araw-araw na gamit
1984—hanggang sa ngayon Chrysler Minivan
Nakatulong ito sa pagpapauso ng minivan
Thrust SSC
Noong Oktubre 15, 1997, bumagtas ito sa disyerto ng Black Rock, Nevada, E.U.A., nakapagtala ito ng opisyal na rekord ng bilis na 1228 kilometro bawat oras
[Credit Lines]
Benz-Motorcar: DaimlerChrysler Classic; background: Brown Brothers; Model T: Courtesy of VIP Classics; Rolls-Royce: Photo courtesy of Rolls-Royce & Bentley Motor Cars
Jeep: Courtesy of DaimlerChrysler Corporation; itim na Beetle: Courtesy Vintage Motors of Sarasota; dilaw na Beetle: VW Volkswagen AG
Citroën: © CITROËN COMMUNICATION; Mercedes Benz: PRNewsFoto
Chrysler Minivan: Courtesy of DaimlerChrysler Corporation; Datsun: Nissan North America; Thrust SSC: AP Photo/Dusan Vranic