Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 13. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Sa anong dako nabigong pabanalin nina Moises at Aaron si Jehova, na naging dahilan upang maiwala nila ang pagkakataong makapasok sa Lupang Pangako? (Bilang 20:12, 13)
2. Sino ang pangkat ng mga manlulusob na nagnakaw sa mga baka at asnong babae ni Job at pumatay sa kaniyang mga tagapaglingkod? (Job 1:14, 15)
3. Sa tatlong kasamahan ni Daniel, sino ang binigyan ng pangalang Mesac samantalang nasa Babilonya? (Daniel 1:7)
4. Anong bunga ng espiritu ang binanggit kasunod mismo ng pag-ibig? (Galacia 5:22)
5. Saan inihagis ng malakas na anghel ang “bato na tulad ng isang malaking gilingang-bato” upang ipahiwatig ang mabilis na pagkawasak ng Babilonyang Dakila? (Apocalipsis 18:21)
6. Anong mga kaloob ang may-kasinungalingang sinabi ni Gehazi na hinihiling ni Eliseo kay Naaman? (2 Hari 5:22)
7. Sinong haring Amorita ang tumangging magparaan sa mga Israelita sa kaniyang kaharian, bagaman nangako ang mga ito na hindi man lamang sila iinom ng tubig doon? (Bilang 21:21-23)
8. Sino ang nagbili kay Abraham ng yungib ng Macpela upang gawing libingang dako ni Sara? (Genesis 23:8-10)
9. Ayon sa Kawikaan 29:25, anong suliranin ang ibubunga ng “panginginig sa harap ng mga tao,” at paano ito maiiwasan?
10. Ano ang binanggit na ikatlong bunga ng espiritu ng Diyos? (Galacia 5:22)
11. Anong pagkilos ang ginawa ni Pinehas na nagpalugod kay Jehova at nagpatigil sa salot na pumatay ng 24,000 Israelita? (Bilang 25:6-14)
12. Ang bat, kab, kor, epa, hin, homer, log, omer, at seah ay pawang mga uri ng ano? (Exodo 16:32)
13. Ano ang itinala ng mga apostol at matatandang lalaki sa Jerusalem bilang ‘mga bagay na kinakailangan’ nang sila’y lumiham sa mga kapatid sa Antioquia, Sirya, at Cilicia? (Gawa 15:28, 29)
14. Bakit naglakbay ang reyna ng Sheba patungong Jerusalem? (1 Hari 10:4)
15. Ano ang kakaibang katangian ng lahat ng banal na mga kombensiyon na inihayag ni Jehova sa bansang Israel? (Levitico 23:7)
16. Alin ang pinakamaikli sa apat na Ebanghelyo?
17. Nang dumating ang pulutong upang arestuhin si Jesus, sino ang tinaga ni Pedro ng tabak, anupat pinutol ang kanang tainga nito? (Juan 18:10)
18. Sa anong tatlong wika orihinal na isinulat ang Bibliya? (Ezra 4:7; Apocalipsis 9:11)
19. Sino ang pinakakilalang mga taong pagala-gala, na naninirahan sa mga tolda at namumuhay bilang mga pastol? (Jeremias 3:2)
20. Bakit sinabihan ang mga Israelita na huwag gapasin ang mga gilid ng kanilang mga bukid? (Levitico 19:9, 10)
Mga Sagot sa Pagsusulit
1. Ang tubig ng Meriba
2. Ang mga Sabeano
3. Misael
4. Kagalakan
5. Sa dagat
6. “Isang talento na pilak at dalawang pamalit na kasuutan”
7. Sihon
8. Epron na Hiteo
9. Nag-uumang ito ng silo. Pagtitiwala kay Jehova
10. Kapayapaan
11. Pinatay niya ang pinunong Simeonita na si Zimri at ang babaing Midianita na dinala ni Zimri sa kaniyang tolda upang makiapid dito
12. Panukat
13. “Patuloy na umiwas sa mga bagay na inihain sa mga idolo at sa dugo at sa mga bagay na binigti at sa pakikiapid”
14. ‘Upang makita ang lahat ng karunungan ni Solomon’
15. Walang anumang uri ng mabigat na gawain ang dapat gawin
16. Marcos
17. Si Malco, ang alipin ng mataas na saserdote
18. Hebreo, Aramaiko at Griego
19. Mga Arabe
20. Upang mag-iwan ng nalabing mga butil “para sa napipighati at sa naninirahang dayuhan”