Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Iniligtas ng Gumising! ang Buhay Ko!”

“Iniligtas ng Gumising! ang Buhay Ko!”

“Iniligtas ng Gumising! ang Buhay Ko!”

Tumanggap ng isang mapagpahalagang liham ang mga tagapaglathala ng Gumising! mula sa Italya. Sa bahagi, kababasahan ito ng ganito:

“Apatnapung taon na akong nagbabasa ng Gumising!, at hinahangaan ko ang paglalahad nito ng maraming praktikal na mga paksa. Kamakailan, nasa trabaho ako nang makaramdam ako ng matinding kirot sa aking tiyan at dibdib. Nagpasiya akong umuwi ng bahay, subalit nang sumumpong muli ang kirot, natanto ko kung ano ang nangyayari sa akin. Maliwanag na naalaala ko ang isang artikulo sa Gumising! na naglarawan sa mga sintomas ng atake sa puso. * Nagpasiya akong magtungo sa ospital. Nasa silid-hintayan pa ako nang biglang humilig ang ulo ko at hinimatay ako. Sinabi ito sa akin kinabukasan sa intensive care.

“Buháy ako ngayon dahil sa mabilis na pagkilos ng dalubhasang mga doktor. Subalit dapat ko ring papurihan ang inyong magasin, na nagbigay ng impormasyon na tumulong sa akin para gumawa ng matalinong pasiya na magtungo sa ospital. Iniligtas ng Gumising! ang buhay ko!”

[Talababa]

^ par. 3 Tingnan ang aming labas ng Disyembre 8, 1996, pahina 6.