Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Pulis Nais ko kayong pasalamatan sa seryeng itinampok ninyo sa pabalat na “Mga Pulis​—Bakit Kailangan Natin Sila?” (Hulyo 8, 2002) Ang tatay ko ay namatay tatlong taon na ang nakalipas sa isang banggaan ng kotse. Dalawang lokal na opisyal ng pulisya ang nagbalita sa aming pamilya at nag-alok ng tulong at nakiramay. Niyapos pa nga ng isa si inay habang siya ay tumatangis. Natitiyak ko na hindi kailanman madali para sa mga opisyal na ito na isagawa ang gayong mga atas, subalit paano na tayo kung wala sila?

D. E., Estados Unidos

Ang serye na itinampok sa pabalat tungkol sa mga pulis ay nagpangyari sa akin na magtanong. Magiging angkop ba para sa isang Saksi ni Jehova na piliin ang hanapbuhay na ito? Iniisip ko na kung magkaroon ng labanan, baka kailanganin mong bumunot ng baril at gamitin ito at makapatay ka.

J. S., Australia

Sagot ng “Gumising!”: Kinikilala lamang ng aming serye na itinampok sa pabalat ang ilang kapaki-pakinabang na gawain ng mga pulis sa pagpapanatili ng kaayusan at paglalaan ng iba pang kinakailangang mga serbisyo. Iniiwasan ng karamihan sa mga Saksi ni Jehova ang trabaho na hihiling sa kanila na magdala ng isang sandata, yamang ayaw nilang magkaroon ng pagkakasala sa dugo sa pamamagitan ng pagkitil ng buhay. (Exodo 20:13; Mateo 26:51, 52) Subalit, dapat pansinin na maraming tao ang nagtatrabaho sa mga ahensiyang nagpapatupad ng batas na hindi naman kailangang magdala ng anumang uri ng sandata, at sa ilang bansa ang karamihan ng mga pulis ay hindi nagdadala ng mga baril.

Katatapos ko lamang basahin ang mga artikulong may kinalaman sa pangangailangan natin sa mga pulis. Napakahusay ng pagkakasulat ng mga ito at may simpatiya sa mahirap na trabaho ng mga pulis upang mapanatili ang kaayusan sa magulong daigdig na ito. Kaming mag-asawa ay naglilingkod bilang naglalakbay na mga ministro noong dekada ’70, at tumuloy kami sa silong ng isang apartment sa isang lumang Kingdom Hall samantalang naglilingkod sa isang kongregasyon sa sentro ng lunsod. Mainit, kaya binuksan namin nang bahagya ang bintana para pumasok ang hangin. Noong bandang alas dos ng umaga, ginising ako ng misis ko sapagkat may dalawang lalaki sa labas ng bintana. Pinakinggan ko ang kanilang pag-uusap. Sinabi ng isa na ang bintana ay karaniwang nakasara. Sinabi naman ng isa pa na malamang na may tao sa loob sapagkat may nakaparadang kotse. Sila’y mga pulis, at maliwanag na regular nilang tinitingnan ang seguridad ng Kingdom Hall. Mas mahimbing kaming nakatulog pagkatapos nito!

P. S., Estados Unidos

Ang mga artikulo tungkol sa mga pulis ay napapanahon​—at lalo na pagkatapos ng mga pagsalakay ng terorista sa World Trade Center at sa Pentagon, sa Estados Unidos. Mabuti na lamang, nagkaroon tayo ng higit na pagpapahalaga sa mga pulis, bombero, at iba pang naglilingkod sa publiko na may pananagutang protektahan ang mga mamamayan at mga ari-arian hindi lamang mula sa terorismo kundi mula rin sa kriminal na mga gawain sa pangkalahatan.

H. B., Estados Unidos

Mga Kasama sa Kuwarto Matagal ko nang inaasahan ang isang artikulo tungkol sa mga kasama sa kuwarto. Nang mabasa ko ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Kaya Ako Makakakita ng Makakasundong Kasama sa Kuwarto?” (Mayo 22, 2002), nagulat ako na may mga tao palang ayaw maging matalik na kaibigan ng kanilang kasama sa kuwarto o sumama sa kaniya saanman at na ito ay normal. Kasabay nito, ang isang kasama sa kuwarto ay malaking tulong sa mga gastusin gayundin sa gawain sa bahay. Salamat sa pagtuturo ninyo sa akin ng isang timbang na pangmalas.

S. M., Hapon

Sa loob ng dalawang linggo ay may makakasama na ako sa isang apartment na isang kapuwa Saksi sa Dresden. Masasabi kong ang mabuting payo sa mga artikulo tungkol sa mga kasama sa kuwarto na lumilitaw sa mga labas ng Abril 22, Mayo 22, at Hunyo 22, 2002, ay naglalakip ng lahat ng mahahalagang detalye at dumating sa tamang panahon. Sana po ay ipagpatuloy ninyo ang paglalathala ng mahuhusay na artikulo!

R. P., Alemanya