Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Postpartum Depression Nagpapasalamat ako mula sa kaibuturan ng aking puso dahil sa artikulong “Napaglabanan Ko ang Postpartum Depression. (Hulyo 22, 2002) Isang taon at tatlong buwan na akong nakapanganak. Walang anu-ano, nag-iba ang pagkatao ko. Kung minsan ay nasasaktan ko ang damdamin ng aking mga mahal sa buhay, yamang hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin. Ngayon ay bumubuti na ang kalagayan ko. Nakatulong ang artikulo sa akin.

A. P., Romania

Pagkatapos kong mabasa ang artikulo, ipinagtapat sa akin ng estudyante ko sa Bibliya na mayroon siya ng gayong sakit. Linggu-linggo siya ngayong nagpupunta sa ospital at, sa tulong ng mga gamot, masaya na niyang nagagampanan ang kaniyang mga pananagutan.

A. M., Hapon

Sagot sa mga panalangin ko ang artikulong ito. Alam na alam ninyo, mahal naming mga kapatid, ang mga pangangailangan ng inyong mga kapatid na babae. Para kaming niyakap nang may pagmamahal ni Jehova at ng kaniyang organisasyon nang tanggapin namin ang artikulong ito.

C. W., Estados Unidos

Pagalíng na ako mula sa postpartum depression, at ang artikulong ito ay nagpalakas at nagpatibay-loob sa akin. Inilakip ninyo ang mga detalye na ang mga nakaranas lamang ng problemang ito ang lubusang makauunawa. Binabalak kong itabi sa isang ligtas na lugar ang labas na ito ng Gumising! upang masangguni ang nakatutulong na mga mungkahi nito kapag kailangan ko ng pampatibay-loob.

E.V.F., Brazil

Hindi pa ako kailanman nakabasa ng artikulo na gaya nito na tumagos sa kaibuturan ng aking puso. Nasira ang pagsasama naming mag-asawa bunga ng aking postpartum depression. Limang taon na ngayon ang anak kong babae, at mahal na mahal ko siya. Halos tatlong taon ang lumipas bago ko napagtagumpayan ang kalagayan.

A. O., Puerto Rico

Tatlong buwan na akong nakikipagpunyagi sa postpartum depression. Nang sabihin sa akin na may ganitong artikulo ang pinakabagong Gumising!, napahagulhol ako anupat hindi ako makapagsalita. Iyon ang pinakamagandang artikulong nabasa ko tungkol sa postpartum depression. Nagpapasalamat ako kay Jehova at sa kaniyang organisasyon dahil sa mabuting pangangalaga sa amin!

A. L., Canada

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong Taos-puso akong nagpapasalamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Gagawing Mas Kaakit-akit ang Aking Sarili?” (Hulyo 22, 2002) Ako’y 22 taóng gulang, at naudyukan ako ng artikulong iyon na pasulungin ang aking panloob na mga katangian. Ang una kong tunguhin ay linangin ang katangian ng kahinahunan. Higit sa lahat, nais kong maging kaakit-akit sa paningin ni Jehova. Pakisuyong patuloy kayong maglathala ng gayon kagagandang artikulo.

A. H., Hapon

Naantig ng artikulo ang aking puso. Ako’y 18 taóng gulang, at kung minsan ay nalilimutan ko kung gaano kahalaga ang paglinang ng aking espirituwal na mga katangian. Mula ngayon, sa tulong ni Jehova, determinado na akong linangin ang mga bunga ng espiritu.​—Galacia 5:22, 23.

M.R.A., Brazil

Noong nakalipas na dalawang taon, malimit kong pinag-iisipan kung naaakit ang mga tao sa akin, at kung minsan, pakiramdam ko’y hindi pa ako nasisiyahan sa hitsura ko. Pagkatapos kong mabasa ang artikulong ito, ang laki ng aking pasasalamat sa pagkaalam na sa pagiging isang lingkod ng Diyos, magagawa kong maging kaakit-akit sa kaniya at ito ang pinakamahalagang bagay.

I. P., Estados Unidos