“Gusto Kong Makaalam Nang Higit Pa Tungkol Kay Jehova”
“Gusto Kong Makaalam Nang Higit Pa Tungkol kay Jehova”
Ganito ang isinulat ng 12-taóng-gulang na si Miki sa Hapon na katatapos pa lamang na mapag-aralan ang brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo. “Noong una kong makita ang mga salitang ‘Kasiya-siyang Buhay,’” gaya ng sabi niya sa liham sa mga tagapaglathala, “akala ko’y naglalaman lamang ito ng payo kung paano gagawing kasiya-siya ang buhay. Subalit habang pinag-aaralan ko ang brosyur na ito, napagtanto ko na itinuturo rin nito sa atin ang tungkol sa kadakilaan ng Diyos. Naunawaan ko sa kasiya-siyang paraan ang kadakilaan ng Diyos at kung ano ang kailangang gawin upang magkaroon ng isang kasiya-siyang buhay. Ngayong natapos ko nang pag-aralan ito, napuspos ako ng pagnanais na makaalam nang higit pa tungkol sa Diyos at magkaroon ng isang kasiya-siyang buhay. Pakisuyong tanggapin ang aking taos-pusong pasasalamat sa paggawa ninyo ng brosyur na ito.”
Kung nais mong magkaroon ng kopya ng brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo, pakisuyong punan ang kupon sa ibaba at ipadala ito sa koreo sa adres na ibinigay o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.