‘Malamang na Iniligtas Nito ang Aking Buhay!’
‘Malamang na Iniligtas Nito ang Aking Buhay!’
“HINDI ko pinansin noon ang mga sintomas,” ang paliwanag ni Claus, na nakaranas ng pangangapos ng hininga sa loob ng ilang linggo. Subalit may nangyari na nagpabago ng kaniyang isip.
“Itinatabi ko ang dating mga labas ng Ang Bantayan at Gumising! sa mesa sa tabi ng aking kama,” ang sabi ni Claus. “Isang gabi, nadampot ko ang Gumising! ng Marso 22, 2001, at basta binuklat ko ito sa artikulong ‘Ang Kamangha-manghang Sistema ng Sirkulasyon ng Dugo.’ Sa pagbabasa sa artikulo, agad kong natanto na katulad na katulad ng paglalarawan sa angina ang mga sintomas na nararanasan ko.”
Sa lalong madaling panahon, nagpatingin si Claus sa isang lokal na klinika, kung saan isiniwalat ng mga pagsusuri ang may-diperensiyang mga ugat sa puso. Karaka-rakang sinimulan ang paggamot. Sinabi ng manggagamot kay Claus na napakapalad niya, yamang kung hindi naagapan ang kaniyang kalagayan malamang na humantong ito sa atake sa puso na maaaring ikamatay niya. Sumulat si Claus sa mga tagapaglathala ng magasing ito: “Malamang na iniligtas ng Gumising! ang aking buhay!”
Higit pa ang ginagawa ng Gumising! kaysa pagtatampok lamang ng gayong kamangha-manghang mga paglalang, gaya ng kung paano gumagana ang mga sangkap ng katawan ng tao. Inilalahad sa pahina 4 ng magasing ito ang layunin ng Gumising!: “Pinakamahalaga, pinatitibay ng magasing ito ang tiwala sa pangako ng Maylikha na isang payapa at tiwasay na bagong sanlibutan.”
Kasuwato ng layuning iyan, inilaan ang brosyur na pinamagatang Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan? Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Layunin ng Buhay? Paano Mo Masusumpungan?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.