Alam Mo Ba?
Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 20. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Nang “naghahanap siya ng pagkakataon laban sa mga Filisteo,” sino ang pinili ni Samson na maging kaniyang asawa? (Hukom 14:1-4)
2. Gaya ng ipinaliwanag ni Jesus, kapag ang isa ay alipin ng Diyos, hindi siya maaaring maging alipin din ng ano? (Lucas 16:13)
3. Sinong ninuno ng Mesiyas ang naging asawa ni Ruth? (Ruth 4:13)
4. Anong pagbigkas sa banal na pangalan ang mas pinipili ng karamihan ng mga iskolar na Hebreo?
5. Dahil sa labis-labis na kabalakyutan ni Jezebel, ano ang inihula ni Jehova hinggil sa kaniya? (1 Hari 21:23)
6. Sa anong layunin binili ni Abraham ang yungib ng Macpela mula sa “mga anak ni Het”? (Genesis 23:19, 20)
7. Anong pananalita, na orihinal na nangangahulugang tipunin ang mga dulo ng mahabang damit para sa pisikal na gawain, ang ginamit sa Kasulatan upang tumukoy sa paghahanda para sa puspusang gawaing mental o espirituwal? (Job 38:3)
8. Sinong anak na lalaki nina Adan at Eva ang isinilang nang si Adan ay 130 taóng gulang? (Genesis 5:3)
9. Dahil sa pagkakasala ng sinong tao kung kaya dumanas ng pagkatalo ang Israel sa Ai? (Josue 7:20)
10. Ano ang tawag sa sinaunang anyo ng korona? (2 Hari 11:12)
11. Yamang walang kakayahan si Maria na maghandog ng barakong tupa bilang hain pagkatapos isilang si Jesus, ano ang ipinahihintulot ng Kautusan na ihandog niya bilang kahalili? (Lucas 2:24)
12. Paano ipinakilala ni Pablo ang kaniyang sarili sa karamihan ng kinasihang mga liham na isinulat niya? (Efeso 1:1)
13. Nang sinisikap niyang pasukuin ang mga Judio, bakit lalo nang mapanghamak para kay Hezekias ang mga pagtuya ni Haring Senakerib ng Asirya? (Isaias 36:14, 15, 18-20)
14. Nasaan si apostol Pablo nang matanggap niya ang panawagang: “Tumawid ka sa Macedonia at tulungan mo kami”? (Gawa 16:8, 9)
15. Bakit sinaway ni Hanani na tagakita ang mabuting Haring Asa ng Juda matapos itong maghari nang may katapatan sa loob ng maraming taon? (2 Cronica 16:7)
16. Ayon kay Jesus, gaano katagal dapat magbata ang isang taong tapat upang maligtas? (Marcos 13:13)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Isang babaing Filisteo mula sa Timnah
2. Kayamanan
3. Boaz
4. Yahweh
5. “Ang mga aso ang uubos kay Jezebel”
6. Upang gamitin bilang dakong libingan para sa kaniyang asawang si Sara
7. “Bigkisan mo ang iyong mga balakang”
8. Set
9. Acan
10. Diadema
11. “Isang pares ng batu-bato o dalawang inakáy na kalapati”
12. Bilang isang apostol ni Kristo Jesus
13. Sapagkat ipinaghambog ni Senakerib na si Jehova ay walang magagawa, gaya ng mga diyos ng mga lupaing nalupig na
14. Sa Troas, isang daungan sa Asia Minor
15. Sapagkat noong panahong iyon, sa hindi malamang dahilan, nakipag-alyansa si Haring Asa sa hari ng Sirya sa halip na magtiwala kay Jehova
16. Hanggang “sa wakas”