Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Buong-Pagtitiwala Kong Inirerekomenda ang Aklat sa Sinuman”

“Buong-Pagtitiwala Kong Inirerekomenda ang Aklat sa Sinuman”

“Buong-Pagtitiwala Kong Inirerekomenda ang Aklat sa Sinuman”

Anong aklat ang binanggit ng sikat na awtor sa Denmark na si Erik Haaest, na sinipi sa itaas?

Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos

Sumulat siya: “Maraming bawal sa Denmark. Lalabagin ko ang isa sa mga ito ngayon. Hindi nga comme-il-faut [angkop] na magsalita ng magagandang bagay tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Iyan mismo ang aking gagawin ngayon.

“Sa nakalipas na maraming taon, isang mag-asawang maayos manamit ang bumibisita sa aking tahanan buwan-buwan para bigyan ako ng magasing Bantayan at Gumising! Matagal ko nang ipinaliwanag sa kanila na hindi ako makukumberte sa anumang relihiyon ngunit nasumpungan kong labis na nakapagtuturo at kawili-wili ang kanilang mga magasin​—kung hindi mo lang papansinin ang mga bahagi na doo’y ipinapasok na nila ang kanilang mga paniniwala. Nabasa ko ang ilang kawili-wiling artikulo sa mga magasing iyon, at ang sirkulasyon nito [21 milyon] ay karapat-dapat na hangaan.

“Noong isang araw, ibinigay sa akin ng mag-asawang iyon na maayos manamit ang aklat na [Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos], nang walang bayad. . . . Binasa ko ang buong aklat. Sinuri ko rin ang karamihan sa mga reperensiya, at napakarami nito!

“Ito ang pinakamagaling, pinakamakatotohanan at pinakaneutral na kasaysayan ng relihiyon na nabasa ko kailanman.

“Buong-pagtitiwala kong inirerekomenda ang aklat sa sinuman. Sabihin pa, may ilang bahagi rin ito tungkol sa pananampalataya ng mga Saksi ni Jehova, ngunit iyon ay maliit na bahagi lamang nitong napakahusay na kasaysayan tungkol sa relihiyon.”

Kung interesado kang tumanggap ng isang kopya ng aklat na ito, pakisuyong punan ang kupon na nasa ibaba.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Picture Credit Lines sa pahina 32]

Kaliwa sa itaas, lalaking Judio: Garo Nalbandian; gitna sa itaas, mongheng Budista: G. Deichmann, Transglobe Agency, Hamburg