Ang Tanong Hinggil sa Kung Paano Nagsimula ang Buhay
Ang Tanong Hinggil sa Kung Paano Nagsimula ang Buhay
SA Pransiya, inihaharap ng mga paaralan at ng media ang teoriya ng ebolusyon bilang isang di-mapag-aalinlanganang katotohanan. Bunga nito, kahit na naniniwala ang mga tao sa Diyos, karaniwan nang itinuturing nila ang ebolusyon bilang ang tanging posibleng paliwanag sa pinagmulan ng buhay. Gayunman, maraming namamangha sa kasalimuutan ng buháy na mga organismo ang hindi kumbinsido sa teoriyang ito. Natanggap ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Pransiya ang sumusunod na liham:
“Kamakailan ay nakita ko sa isang tindahan ng segunda manong mga libro ang isang aklat na inyong inilathala na pinamagatang Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? Ang maliit na aklat na ito ay lubhang nakapukaw ng aking interes, yamang sa palagay ko ay sinasagot nito ang tunay na mga isyung pinag-uusapan. Yamang sinanay bilang isang pisiko, matagal na akong interesado sa masasalimuot na suliranin ng ‘Darwinismo’ at ng iba pang ‘mga teoriya ng ebolusyon.’ Ipinaliliwanag daw ng mga ito ang pagbabago ng walang buhay na mga bagay tungo sa pagiging buháy na mga organismo, o na ang pinagmulan ng buhay ay mula sa walang buhay na bagay.”
Pagkatapos basahin ang tinukoy niyang ang “inyong maliit na aklat,” sinabi ng sumulat ng liham: “Napakagaling ng pagtalakay at paghaharap ng ebidensiya ng Life—How Did It Get Here? at nagbibigay ito ng napakahusay na sumaryo ng mga problema at di-malutas na mga pagkakasalungatang napapaharap sa synthetic theory ng ebolusyon na karaniwang tinatanggap ng maraming kontemporaryong siyentipiko.” Pagkatapos ay humiling siya ng karagdagang impormasyon.
Kung interesado kang tumanggap ng kopya ng Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? pakisuyong punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na ibinigay o sa angkop na adres sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?
□ Pakisuyong makipagugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.