“Napunta Iyon sa Mabubuting Kamay!”
“Napunta Iyon sa Mabubuting Kamay!”
May natagpuang portpolyo si Patricia na naiwan sa isang tanggapan ng gobyerno sa lunsod ng Cuernavaca, Mexico. Nang buksan niya ito, nakita niya na mayroon itong ilang credit card, blangkong mga tseke na may pirma, at identification card ng isang arkitekto. Pag-uwing-pag-uwi niya, tinawagan niya ang lalaki para sabihin na natagpuan niya ang portpolyo nito. Dahil sa lubhang pagkamangha, napabulalas siya: “Salamat sa Diyos at napunta iyon sa mabubuting kamay!”
Nang dumating sa tahanan ni Patricia ang may-edad nang arkitekto para kunin ang kaniyang portpolyo, sinabi niya kay Patricia na siya’y isang anghel na isinugo ng Diyos. Sinabi ni Patricia na isa siyang Saksi ni Jehova at nagpaliwanag: “Pinaglilingkuran ko ang tunay na Diyos na si Jehova at tinuruan niya ako. Iyan ang dahilan kung bakit ko ito ginawa. Kaya sa kaniya dapat mapunta ang lahat ng papuri.” Nang mag-alok sa kaniya ng gantimpala ang arkitekto, hindi iyon tinanggap ni Patricia. Sa halip, inalok niya ang arkitekto ng ilang literatura sa Bibliya at sinabi na mas gusto niya kung babasahin iyon ng arkitekto at makikinabang doon.
Tulad ng maraming Saksi ni Jehova, pinag-aralan ni Patricia ang aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan. Isa sa 19 na kabanata nito ay “Kung Bakit Nagdudulot ng Kaligayahan ang Maka-Diyos na Pamumuhay.” Naranasan ni Patricia ang katotohanan ng subtitulong “Nagbubunga ng Kaligayahan ang Katapatan.”
Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito na may 192 pahina kung pupunan mo ang kasamang kupon at ihuhulog ito sa adres na ibinigay o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.