Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Paglalarawan sa Isang Relihiyosong Komunidad

Paglalarawan sa Isang Relihiyosong Komunidad

Paglalarawan sa Isang Relihiyosong Komunidad

Bilang bahagi ng kaniyang asignatura sa heograpiya sa haiskul, inatasan ang 15-taóng-gulang na si Philip na magsuri at mag-ulat hinggil sa isa sa mga komunidad alinman sa isports, pulitika, kultura, o relihiyon sa Sydney, Australia, ang kaniyang tinubuang lunsod. Pinili ni Philip ang mag-ulat hinggil sa lokal na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova, kung saan siya at ang kaniyang pamilya ay mga miyembro. Ang isa sa mga hiniling sa mga estudyante ay makipag-usap sa 20 miyembro ng kanilang piniling komunidad upang magbigay ng paglalarawan hinggil sa “mga salik na nagpapakilala sa komunidad.”

Matapos tipunin ang mga resulta ng kaniyang surbey, sumulat si Philip: “[Ang lokal] na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova ay isang relihiyosong organisasyon na nagtitipon nang sama-sama pangunahin na para mag-aral ng Bibliya. Sa mga pagpupulong na ito, binabasa ang mga bahagi ng Bibliya at pagkatapos ay ipinaliliwanag ang mga ito. Layunin din ng mga pulong na turuan kami kung ano ang pinakamagaling na paraan upang maturuan ang iba hinggil sa Bibliya. Isinasagawa naman ito sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay upang makipag-usap sa mga tao sa kanilang mga tahanan, kung saan sila ay mas relaks. Ang lahat ng miyembro ng komunidad ay regular na nakikibahagi sa gawaing ito, sa iba’t ibang antas, depende sa kanilang kalagayan. Bukod pa sa kanila mismong pag-aaral ng Bibliya at pagtuturo sa iba hinggil dito, namamahagi rin ang komunidad ng nakapagtuturo at napapanahong mga babasahing Ang Bantayan at Gumising! na naglalaman ng maraming kawili-wiling artikulo hinggil sa kalikasan, kasaysayan, at pangglobo at lokal na mga isyu. Sinisikap din naming magbigay ng kaaliwan sa napipighating mga tao pagkatapos ng kahila-hilakbot na mga kalupitan sa daigdig, gaya ng nangyari noong Setyembre 11, 2001, at naglalaan kami ng nakatutulong na mga publikasyon hinggil sa mga paksang gaya ng pag-aasawa, buhay-pampamilya, at ng kabataan.”

Dahil sa kalidad ng kaniyang pagsasaliksik at sa paghaharap ng presentasyong ito, natanggap ni Philip ang pinakamataas na marka para sa kaniyang report. Kung nais mo pang makaalam nang higit tungkol sa gawaing isinasakatuparan ng mga Saksi ni Jehova, makipag-usap sa kanila sa susunod na dumalaw sila o makipag-ugnayan sa kanila na ginagamit ang adres na pinakamalapit sa iyo na nakatala sa pahina 5.

[Larawan sa pahina 16]

Philip

[Larawan sa pahina 16]

Italya

[Larawan sa pahina 16]

Australia

[Larawan sa pahina 16]

Brazil

[Larawan sa pahina 16]

Netherlands