Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Aklat Para sa mga Kabataan

Isang Aklat Para sa mga Kabataan

Isang Aklat Para sa mga Kabataan

Isang estudyante sa isang unibersidad sa Arkhangelsk ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Russia. Ipinaliwanag niya na nakatanggap siya ng isang magasing inilathala ng mga Saksi mula sa isang tao sa lansangan. “Pinapag-isip ako nito hinggil sa buhay at sa nalalaman ko tungkol sa Diyos at sa relihiyon,” ang sulat niya. “Gusto ko ngayong mag-aral ng Bibliya. Gusto kong higit na makilala ang personang nagbigay ng kaniyang buhay para sa ating mga kasalanan at kaligtasan, bagaman hindi niya tayo kakilala.”

Nagpatuloy ang kaniyang sulat: “Ginagawa ninyo ang isang napakahalagang gawain, lalo na sa pagpapaliwanag sa mga bata hinggil sa pagkakaiba ng mabuti at masama. Tutal, para silang mga espongha, na ipinapasok sa kanilang isip ang lahat ng nasa paligid nila at pagkatapos ay nagbabago upang makasunod sa kapaligiran.” Ang estudyante ay may nakababatang kapatid na lalaki at babae, at humiling siya ng isang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​Mga Sagot na Lumulutas. “Umaasa ako na makatutulong ito sa kanila sa paaralan at sa buhay sa pangkalahatan,” ang sabi niya.

Maaari ka ring magkaroon ng kopya ng aklat na ito na dinisenyo lalo na upang tulungan ang mga kabataan sa mga problemang kinakaharap nila sa ngayon. Punan mo lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na ibinigay sa kupon o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​Mga Sagot na Lumulutas.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.