Umani ng Lubos na Paghanga ang Kaniyang Report
Umani ng Lubos na Paghanga ang Kaniyang Report
Nang huling taon niya sa paaralan, si Ginny, isang Saksi ni Jehova sa Estados Unidos, ay nagkaroon ng magandang pagkakataon na ipahayag ang tungkol sa kaniyang relihiyon. “Sinabi ng aming guro sa klase na kailangan naming gumawa ng isang term paper upang makapagtapos,” ang sabi niya. “Sinabi ko sa kaniya na gusto ko sanang isulat ang tungkol sa mga Saksi ni Jehova sa mga kampong piitan ng Nazi.”
Pinahintulutan ng guro si Ginny na ituloy ang kaniyang paksa. “Ninerbiyos ako nang ibibigay ko na ang aking term paper at ihaharap na ito sa klase sa pamamagitan ng oral presentation,” inamin ni Ginny. “Ewan ko kung ano ang sasabihin ng aking mga kaklase o kung pagtatawanan nila ako.”
Sinimulan ni Ginny ang kaniyang presentasyon sa pagtatanong: “May nakaaalam ba sa inyo kung sino ang nagsuot ng Tala ni David sa mga kampong piitan ng Nazi?” Ang lahat ay nagsabi, “Ang mga Judio.” Pagkatapos ay nagtanong siya kung may nakaaalam kung sino naman ang nagsuot ng lilang tatsulok. Walang makasagot. “Sinabi ko sa kanila na yaong mga Saksi ni Jehova,” ang sabi ni Ginny.
Humanga ang guro at ang buong klase sa impormasyon ni Ginny. “Humanga sila nang malamang maaari naman pala sanang makalaya ang mga Saksi ni Jehova kung pipirmahan lamang nila ang isang pirasong papel na magtatakwil sa kanilang pananampalataya,” ang sabi ni Ginny. “Pagkaraan, sinabi sa akin ng ilang mga kaklase ko na dati raw ay pinagtatawanan nila ang mga Saksi ni Jehova pero kapag may pumunta muling Saksi sa kanilang bahay, makikinig na sila.”
Tumanggap si Ginny ng apat na pinakamatataas na marka para sa kaniyang report at presentasyon. “Hindi lamang ako nakakuha ng mataas na marka,” ang sabi niya, “nagkaroon din ako ng magandang pagkakataon na ipahayag ang tungkol sa aking pananampalataya!”
[Larawan sa pahina 19]
Maraming Saksi ni Jehova ang inalok ng kalayaan sa kondisyong pipirmahan nila ang dokumentong ito na magtatakwil ng kanilang pananampalataya
[Credit Line]
Courtesy of United States Holocaust Memorial Museum