Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Mga Babae—Karapat-dapat sa Paggalang”

“Mga Babae—Karapat-dapat sa Paggalang”

“Mga Babae​—Karapat-dapat sa Paggalang”

Isang 17-taóng-gulang na estudyante sa kolehiyo sa India ang lumahok sa isang kompetisyon ng pagpapahayag sa madla na inorganisa ng kanilang paaralan. Ipinasiya niyang gamiting reperensiya ang seryeng itinampok sa pabalat na “Mga Babae​—Karapat-dapat sa Paggalang,” sa Hulyo 8, 1992, labas ng Gumising!

Ang tema ng kaniyang pahayag ay “Mga Babae​—Sila ba’y Iginagalang Ngayon?” Ang resulta? “Napanalunan ko ang unang gantimpala sa kompetisyon,” ang ulat niya. “Lubos akong nagpapasalamat sa Gumising!” ang pagpapatuloy niya. “Lubhang kapaki-pakinabang ito para sa mga kabataang katulad namin dahil marami kaming natututuhang bagong impormasyon. Tinutulungan din kami nito na harapin ang mga panggigipit ng sanlibutang ito.”

Nasiyahan ka ba sa pagbabasa sa labas na ito ng Gumising!? Isinulat ito para magbigay-kaliwanagan sa buong pamilya, hindi lamang para sa mga kabataan. Masusing sinusuri ng magasing ito ang mga bagay-bagay at tinutukoy ang tunay na kahulugan ng kasalukuyang mga pangyayari. Inilalathala ito nang makalawa sa isang buwan sa Tagalog. Huwag kaliligtaan ang kahit isang isyu!