Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Susi sa Matagumpay na Pag-aasawa

Mga Susi sa Matagumpay na Pag-aasawa

Mga Susi sa Matagumpay na Pag-aasawa

“Magtaksil ka nang bahagya: iyan ang susi sa matagumpay na romantikong ugnayan,” ang sabi ng La Presse. Iniulat ng pahayagan sa Canada ang tungkol sa isang pag-aaral na pinagtinging mabuti ang pagsisinungaling. Inilathala ang pag-aaral sa Journal of Social and Personal Relationships. Ganito ang sabi ni Propesor Tim Cole, ng De Paul University, Chicago, E.U.A.: “Sa pamamagitan ng pagtataksil [o pagsisinungaling] nang bahagya, mapananatili natin ang mabuting [romantikong] ugnayan nang hindi ito isinasapanganib.”

Gayunman, ang panlilinlang ba ang talagang susi sa isang matagumpay na pag-aasawa? Ang Bibliya ay nagpapayo sa mga Kristiyano: “Ngayong inalis na ninyo ang kabulaanan, magsalita ang bawat isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa.” (Efeso 4:25) Mabisa ba ang payong ito? Nang tanungin ang isang abogado sa pagdidiborsiyo ng, Ano ang pinakamalaking dahilan kung bakit naghihiwalay ang mag-asawa? ganito ang sagot niya: “Ang kawalang-kakayahang mag-usap nang tapat sa isa’t isa, ibuhos ang laman ng kanilang puso at magturingang matalik na magkaibigan.”

Kung gayon, ano ang lihim ng maligayang pag-aasawa? Ang kabanata 3 ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya ay pinamagatang “Dalawang Susi sa Panghabang-Buhay na Pag-aasawa.” Sinusuri nito ang dalawang salik na nagpapaging posible para magsama nang maligaya ang mag-asawa, anupat nagdudulot ng maraming pagpapala. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito kung pupunan at ihuhulog ang kasamang kupon sa adres na ipinakita sa kupon o sa isang angkop na adres sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.