Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Aklat na Malaki ang Epekto

Isang Aklat na Malaki ang Epekto

Isang Aklat na Malaki ang Epekto

DAHIL sa napakaraming kabataan ang gumagaya sa burara at usong istilo, nakagiginhawa kapag sinisikap ng ilan na manamit nang mahinhin. Sa Balykchy, isang lunsod sa Kyrgyzstan, dating republika ng Unyong Sobyet, isang grupo ng mga kabataan ang nagpasiyang magpalitrato na nakadamit na katulad ng kanilang nakita sa pabalat ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​Mga Sagot na Lumulutas. Nagpunta ang mga kabataan sa isang propesyonal na litratista at hiniling dito na kunan ng larawan ang grupo nila na magiging kagaya ng larawan sa pabalat ng aklat. Ang kasamang larawan ang naging kuha niya.

Pagkatapos magpalitrato, iniwan ng mga kabataan ang aklat sa litratista. Noon ay hindi siya gaanong interesado, yamang hindi siya naniniwala sa Bibliya. Gayunman, nang bumalik ang mga kabataan sa istudyo pagkalipas ng ilang araw para kunin ang larawan, nagkomento siya na ngayon lamang siya nakabasa ng gayong aklat sa buong buhay niya. Sinabi niya na hindi niya kailanman natanto na ang Bibliya ay nagbibigay ng gayon kapraktikal na payo, at nais niyang matuto nang higit pa. Bilang resulta, nagsimula siyang mag-aral ng Bibliya.

Makahihiling ka rin ng isang kopya ng aklat na ito, na dinisenyo lalo na para tulungan ang mga kabataan sa mga problema na kinakaharap nila sa ngayon. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog sa koreo sa adres na ipinakita sa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng Ang mga Tanong ng mga Kabataan​Mga Sagot na Lumulutas.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.