Nalaman Nila na Mahal Sila ng Diyos
Nalaman Nila na Mahal Sila ng Diyos
Nahihirapan ang ilan na maniwalang may sinuman—maging ang Diyos—ang tunay na magmamahal sa kanila. Kaya pagkatapos mabasa ang aklat na Maging Malapít kay Jehova, marami ang sumulat na nagpapahayag ng kanilang pagpapahalaga sa katiyakang ibinigay nito. “Nalipos ako ng damdamin sa pagkaalam kung gaano niya ako kamahal, sa kabila ng aking mga pagkukulang,” ang sulat ng isang babae mula sa Decatur, Illinois, E.U.A.
Isinulat pa niya: “Naiyak ako sa kagalakan nang mabasa ko ang sinabi [sa pahina 117]: ‘Bilang isang makatarungan, o matuwid, na Ama, pinagtitimbang ni Jehova ang katatagan sa kung ano ang tama at ang magiliw na pagkamahabagin sa kaniyang makalupang mga anak, na nangangailangan ng kaniyang tulong at pagpapatawad.’”
Isang lalaki mula sa Ripon, California, ang sumulat: “Maraming salamat sa pagpapakita sa akin na talagang mahal ako ni Jehova. Totoong nagmamalasakit siya. Hindi lamang ako basta isang numero ng estadistika na isinulat sa papel.” Isang babae sa New Hampshire ang nagsabi: “Kung minsan ay parang hindi ko maibaba ang aklat.” Nagpaliwanag siya: “Talagang hirap na hirap akong paniwalaan na maaari akong mahalin ni Jehova.” Kaya tamang-tama ang aklat para sa kaniya.
Naniniwala kami na makikinabang ka rin sa pagbabasa ng aklat na ito. Pagkatapos ng tatlong panimulang mga kabanata, hinati ito sa apat na seksiyon, na pinamagatang ‘Malakas sa Kapangyarihan,’ “Maibigin sa Katarungan,” “Marunong sa Puso,” at “Ang Diyos ay Pag-ibig.” Ang bawat seksiyon ay nagtutuon ng pansin sa isang pangunahing katangian ng Diyos. Ang kabanatang “Lumapit Kayo sa Diyos, at Lalapit Siya sa Inyo” ang tumatapos sa nakagaganyak na aklat na ito.
Maaari kang humiling ng aklat na ito na may 320 pahina at malambot na pabalat kung iyong pupunan ang kasamang kupon at ihuhulog ito sa adres na inilaan o sa isang angkop na adres na nasa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Maging Malapít kay Jehova.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.