Ang Buhay ni Jesus—Isang Pinahahalagahang Kaloob
Ang Buhay ni Jesus—Isang Pinahahalagahang Kaloob
Halos 2,000 taon na ang nakalilipas, inilaan ng Diyos ang pinakadakilang kaloob na ibinigay sa sangkatauhan—ang buhay ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, na nagpaging posible para tumanggap tayo ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16) Bilang pagpapahalaga rito, marami ang nagregalo sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak ng isang kopya ng Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, isang aklat na naglalarawan sa buhay ni Jesus na katulad ng paglalarawan sa apat na Ebanghelyo.
Noong mga nakaraang panahon, isang lalaki ang nagpaliwanag na namimigay siya ng aklat na ito sa mga nagpapadala sa kaniya ng mga kard sa Pasko. Sinusulatan niya sila, na ipinaliliwanag sa maikli kung bakit hindi na siya nagdiriwang ng Pasko, at ginagamit niya ang mga reperensiya mula sa ensayklopidiya, diksyunaryo, at sa Bibliya. Pagkatapos ay inilalakip niya ang isang kopya ng Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.
Sinabi ng lalaki na tumanggap siya ng dalawang pagtugon na lubhang nakapagpapasigla mula sa mga propesor ng unibersidad. Ganito ang sabi ng isang liham: “Dumating noong isang araw ang maganda mong regalo, Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Tuwang-tuwa kaming magkaroon ng kopya nito. Napakaganda nito sa maraming paraan. Gamít na gamít na namin ito.”
Kasama sa aklat na ito ang mga pahayag na ibinigay ni Jesus, gayundin ang kaniyang mga ilustrasyon at himala. Hangga’t posible, ang lahat ng pangyayari ay inilahad ayon sa pagkakasunud-sunod nito. At makikita sa aklat ang magaganda at sinaliksik-na-mabuting mga ilustrasyon na dinisenyo upang itawid ang damdamin ni Jesus at ng kaniyang mga kapanahon.
Kung interesado kang tumanggap ng isang kopya ng aklat na ito na may 448 pahina, pakisuyong punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo na ginagamit ang adres na inilaan o isang angkop na adres sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.