Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Bata​—Napakabilis Lumaki? Napakahusay ng pagkakasulat ng seryeng “Mga Bata​—Napakabilis ba Nilang Lumaki?” (Abril 22, 2003) Tinulungan ako nitong unawain kung bakit nararanasan ko ang ilang problema. Hindi naging maganda ang aking pagkabata, at aaminin ko na landas ng karunungan ang huwag madaliin ang paglaki ng mga bata.

S. M., Hapon

Talagang naantig ng seryeng ito ang aking puso. Lumaki ako sa isang tahanan na may nagsosolong magulang. Napakadalas ko noong mapuyat sa pakikinig sa pag-iyak ng aking ina dahil sa kaniyang mga álalahanín. Kung hindi dahil sa kongregasyong Kristiyano, hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin. Salamat sa inyong maibiging mga pagsisikap na pakainin kami sa espirituwal na paraan.

D. B., Estados Unidos

Ako po ay 11 taóng gulang, at palagi kong hinahangad na lumaki na sana ako kaagad. Ipinakita ng seryeng ito ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa aking pagkabata habang taglay ko pa po ito.

G. M., Estados Unidos

Parang nakikini-kinita ko ang aking sarili sa kuwento ni Carmen at ng kaniyang ate sa artikulo. Bagaman hindi naman ako naglayas, kagaya ng ginawa nila, nagkaroon ako ng mapang-abusong mga amain at isang pabayang ina. Dahil may problema hinggil sa pag-abuso sa droga ang aking mga magulang, napilitan akong palakihin ang aking mga nakababatang kapatid na lalaki, simula noong ako’y sampung taóng gulang pa lamang! Siyempre pa, umakay ito sa pagkakaroon ko ng mga problema. Magpakailanman akong magpapasalamat kay Jehova dahil sa tulong na tinanggap ko sa loob ng maraming taon.

D. S., Estados Unidos

Hedgehog Ako ang punong tagapagpaganap ng British Hedgehog Preservation Society, at nalulugod akong basahin ang napakagandang artikulo na “Ang Matinik na Urchin ng Kabukiran.” (Abril 22, 2003) Napakaganda ng pagkakasulat at tumpak ang mga impormasyon nito​—di-tulad ng maraming artikulo sa ibang mga publikasyon.

F. V., Britanya

Marami pong salamat sa magasing Gumising! Palagi po akong sinasabihan ng aking ina na basahin ko ang mga magasing ito. Kapag nasimulan ko na po ito, kung minsan ay inaabot ako ng mga isang oras sa pagbabasa nito. Maraming artikulo ang mga ito na nagugustuhan ko, tulad ng “Ang Matinik na Urchin ng Kabukiran.” Ako po ay 15 taóng gulang. Ipagpatuloy po ninyo ang napakahusay na gawain!

K. G., Estados Unidos

Pag-aampon Maraming salamat sa napapanahong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Ako Kailangang Maging Ampon?” (Abril 22, 2003) Kinailangang ipaampon ng aking anak na babae ang kaniyang sanggol dahil sa kaniyang kalagayan, at lubha akong nakonsiyensiya rito. Tamang-tama ang pagdating ng impormasyong ito. Ipinadala ko ang artikulong ito sa aking anak.

E. D., Guyana

Sumulat ako sa inyo upang magpasalamat nang marami sa napapanahong mga artikulo hinggil sa pag-aampon na nasa Abril 22 at Mayo 22 na mga isyu. Kamakailan, kaming mag-asawa ay nag-ampon ng isang sanggol na lalaki. Pagdating ng panahon, gagamitin namin ang dalawang artikulong ito upang tulungan ang aming anak na lalaki na malaman at maunawaan kung gaano ko siya kamahal, kung gaano siya kamahal ng Diyos na Jehova, at ng kaniyang Tatay.

S. R., Estados Unidos

Maraming salamat sa artikulo hinggil sa pag-aampon. Ako ay 47 taóng gulang at nagpupunyagi pa rin hinggil sa bagay na ito. Ang mga magulang na umampon sa akin​—na lubhang iginagalang at minamahal ko​—ay hindi nakatugon sa aking mga pangangailangan ukol sa pag-ibig at pagmamahal. Hindi ako talaga kailanman niyakap o hinalikan, kahit na hilingin ko ito. Napakahirap para sa akin ng gayong pagtanggi. Sa anu’t ano man, lubhang nakaaaliw at nakaaantig ng puso ang artikulong ito.

D. H., Estados Unidos