‘Maigsi Ngunit Punung-puno ng Impormasyon’
‘Maigsi Ngunit Punung-puno ng Impormasyon’
Ganiyan inilarawan ng isang babae ang brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? Pagkatapos ay ipinaliwanag niya kung bakit ganoon ang komento niya. “Sa pamamagitan ng brosyur na ito,” sinabi niya, “si Gloria, na isang may-edad nang babae, ay muling nagkainteres na magbasa ng Bibliya. Nagsimula siya na hindi man lamang makaupo at makapagtuon ng pansin hanggang sa puntong siya’y makapag-aral sa loob ng dalawang oras. Patiuna niyang inihahanda ang lahat ng kaniyang aralin at sinusuri ang lahat ng kasulatan.”
Ang publikasyong Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? ay may 32 pahina at kasinlaki ng magasing ito. Maliwanag na ipinakikita nito kung ano ang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan at sinasabi nito kung ano ang kailangan nating gawin upang makamit ang kaniyang pagsang-ayon. Kasama sa mga kaakit-akit na aralin nito ang “Sino ang Diyos?,” “Sino si Jesu-Kristo?,” “Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?,” at “Ano ang Kaharian ng Diyos?”
Kung nais mong tumanggap ng isang kopya, punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na inilaan o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.