Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Ating Planeta—Ano Kaya ang Magiging Kinabukasan Nito?

Ang Ating Planeta—Ano Kaya ang Magiging Kinabukasan Nito?

Ang Ating Planeta​—Ano Kaya ang Magiging Kinabukasan Nito?

“Bagaman matagal nang kinatatakutan ng tao ang ‘mga gawa ng Diyos’ gaya ng delubyo at tagtuyot, lalo sila ngayong nanganganib dahil sa may mas matindi pa rito: ‘mga gawa ng tao’ na nagdudulot ng likas na kasakunaan,” ang ulat ng pahayagang Globe and Mail ng Canada. Inilabas ng United Nations Environment Programme (UNEP) ang isang komprehensibong ulat na humihimok sa paggawa ng paraan upang ituwid ang mga pinsalang idinudulot sa kapaligiran bago pa maging huli ang lahat. Ganito ang sinabi ng ehekutibong direktor ng UNEP na si Klaus Toepfer: “May sapat na tayong kaalaman ngayon para maunawaan kung paano maaaring maapektuhan ng ating mga pagkilos o di-pagkilos ang kapaligiran at ang mga naninirahan sa pambihirang asul na planetang ito pagsapit ng 2032.”

May pagsulong naman sa pag-iingat ng ating kapaligiran mula nang maitatag ang UNEP noong 1972. Gaya ng iniulat ng The Toronto Star, “ang kalidad ng hangin at tubig sa mga ilog ay bumuti sa Europa at Hilagang Amerika, at dahil sa mga restriksiyon sa pagbuga ng mga kemikal, naging posible na makapanumbalik ang ozone layer mula sa pinsalang naidulot dito.” Gayundin, ang mga programa ng pangangasiwa sa kagubatan, kagaya niyaong sa Canada, Finland, Norway, at Estados Unidos, “ay tumitiyak na ang epekto ng labis na pagtotroso ay mababawasan.” Magkagayunman, sinasabi ng ulat ng UNEP na kung ang pagsulong ng ekonomiya ay hindi susupilin at patuloy na gagawing siyudad ang ibabaw ng lupa, magkakaroon ito ng mapaminsalang epekto sa buhay-iláng at pagkakasari-sari ng buhay. Ganito ang sinabi ng Globe: “Halos kalahati ng mga ilog sa daigdig ang narumhan o lubhang natuyo. Ang 80 bansang nagtataglay ng 40 porsiyento ng populasyon ng daigdig ay lubhang kinakapos sa tubig.”

Naniniwala si Toepfer na ang “tiyak na pagkilos ay magdudulot ng positibong mga resulta.” Idinagdag pa niya: “Kailangan natin ang espesipikong plano ng pagkilos . . . espesipikong mga proyekto . . . at higit sa lahat, malinaw na deklarasyon.” Pero ano pa ba ang pag-asa kung tumatanggi naman ang mga pinuno ng daigdig na kumilos para sa ikabubuti ng planeta?

Makatitiyak ka na may isa na gumawa ng isang “malinaw na deklarasyon” at gagawa ng “tiyak na pagkilos”​—ang Diyos na Jehova. Sa katunayan, tuwiran niyang ipinahayag sa madla na siya ay mamamagitan at ‘ipapahamak yaong mga nagpapahamak sa lupa.’ (Apocalipsis 11:18) Bukod pa rito, tinitiyak din sa atin ng Diyos na ibabalik ang mga ekosistema ng lupa. Mamumulaklak ang mga disyerto. (Isaias 35:1) Magiging sagana ang pagkain. Mawawala na ang polusyon sa mga ilog. (Awit 72:16; 98:8) Ginagarantiyahan ng Diyos na kaniyang pagpapalain ang bawat bagay na may buhay sa lupa.​—Awit 96:11, 12.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

NASA photo