Gaano Karaming Bagay ang Maaaring Matutuhan ng Iyong Anak?
Gaano Karaming Bagay ang Maaaring Matutuhan ng Iyong Anak?
Madalas na hindi nababatid ng mga adulto ang kakayahang matuto ng bata. Subalit, karaniwan nang mas mabilis matuto ng bagong wika ang mga bata kaysa sa kanilang mga magulang. Kapag tumuntong na sila sa apat na taóng gulang, nakapagsasalita na ang iba ng dalawa o higit pang mga wika. Nitong nakalipas na taon, si Rhonda, isang babae mula sa Auburn, Washington, E.U.A., na nag-alinlangan sa kakayahang matuto ng bata, ay sumulat: “Salamat sa pagpapahintulot sa akin na aminin na talagang nagkamali ako.”
Ipinaliwanag ni Rhonda na nabasa niya ang isang karanasan sa Agosto 1, 1988, isyu ng Ang Bantayan, ang katambal naming magasin, at sinabi niya: “Sa pahina 13, may komento roon mula sa isang inang may apat-at-kalahating-taóng-gulang na anak na lalaki na nagsabing noong binabasa niya Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya at sandali siyang huminto, itinuloy ng kaniyang anak ang kuwento nang salita por salita. Sinabi pa niya na naisaulo ng bata ang unang 33 kuwento ng aklat, kasama na ang mahihirap na pangalan ng mga lugar at mga tao. Inaamin ko na noon ay iniisip kong imposible ito. Buweno, mali pala ako. Ako ngayon ay may isang apat-na-taóng gulang na anak na babae na nakapagsaulo ng maraming kuwento mula sa aklat na Mga Kuwento sa Bibliya.”
Ano na ang nagawa mo upang pasiglahing matuto ang inyong anak? Makahihiling ka ng isang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, isang aklat na may 256 na pahina at 116 na kuwento na nagtatampok ng mga tao at pangyayari sa Bibliya. Punan lamang ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa adres na ipinakita sa kupon o sa isang angkop na adres na nasa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.