Mga Hayop—Isang Kaluguran Magpakailanman
Mga Hayop—Isang Kaluguran Magpakailanman
KAYRAMING uri ng hayop ang umiiral, anupat ang bawat isa ay waring may kani-kaniyang katangian! Ang pag-ibig at pagkamahabagin sa mga hayop ay maaaring maging isang salik na magpapalapít sa isang tao sa Maylalang ng mga ito. Makikita ito sa kaso ni Maria.
Mga tatlong taon na ang nakalilipas, noong si Maria ay nakatira sa Lisbon, Portugal, nakawala ang kaniyang minamahal na aso, at ipinaanunsiyo niya ito sa radyo. Isa sa mga Saksi ni Jehova, na nakatitiyak na nakakita siya ng isang aso na tumutugma sa paglalarawang ibinigay, ang nakipag-ugnayan kay Maria. Nang magkita ang dalawa, natagpuan nila ang aso, at nagkomento ang Saksi na yamang si Maria ay mahilig sa mga hayop, tiyak na masisiyahan siyang mabuhay sa bagong sanlibutan na ipinangako ng Diyos. Ipinaliwanag ng Saksi na ang mga tao ay magiging mapayapa kasama ng lahat ng hayop.
Tinanggap ni Maria ang isang paanyaya Awit 37:29; Juan 17:3) Nang bandang huli, noong Pebrero 16, 2002, sinagisagan niya ang kaniyang pag-aalay kay Jehova sa pamamagitan ng bautismo sa tubig.
na daluhan ang isang pulong ng mga Saksi. Ang narinig at nakita niya ay nakapukaw sa kaniyang interes anupat gusto niyang pagdausan siya ng isang personal na pag-aaral sa Bibliya. Habang nagpapatuloy ang pag-aaral, lubhang naantig si Maria sa natututuhan niya hinggil sa Diyos na Jehova at sa kaniyang pangako na buhay na walang hanggan sa lupa sa isang bagong sanlibutan ng katuwiran. (Ang Orihinal na Layunin ng Diyos
Kagaya ni Maria, marami ang lubhang nasisiyahan sa patotoo na sa dakong huli ay matutupad ang orihinal na layunin ng Diyos na mabubuhay magpakailanman sa isang paraisong lupa ang mga tao at aalagaan nila ang lahat ng hayop dito. (Genesis 1:28) Sinasabi ng Bibliya na ‘hindi nilalang ng Diyos ang lupa na walang kabuluhan’ kundi sa halip ay ‘inanyuan ito upang tahanan.’ Maliwanag na ang mga tao ay nilayon na masiyahan sa lupa at sa mga hayop dito magpakailanman.—Isaias 45:18.
Idiniin pa ng Bibliya ang pasiya ng Diyos na isakatuparan ang kaniyang orihinal na layunin na magkaroon ng isang paraisong lupa. “Sinalita ko nga iyon,” ang pahayag niya, anupat idinagdag pa niya: “Gagawin ko rin naman.” Muli ay ipinahayag ni Jehova: “Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa aking bibig. Hindi ito babalik sa akin nang walang resulta, kundi gagawin nga nito yaong kinalulugdan ko, at ito ay tiyak na magtatagumpay sa bagay na pinagsuguan ko nito.”—Isaias 46:11; 55:11.
Maliwanag na ang orihinal na layunin ng Diyos para sa tao ay ang masiyahan sila sa isang paraisong lupa magpakailanman. Lubos tayong makatitiyak na darating ang panahon, magkakatotoo ang layuning iyan. Suriin natin ang ilang maiikling paglalarawan sa Bibliya hinggil sa kung ano ang magiging buhay sa bagong sanlibutan ng Diyos. Makikita natin na talagang ang lahat ng hayop, kapuwa ang maaamo at maiilap, ay magiging mapayapa sa isa’t isa at sa sangkatauhan.—Isaias 65:17, 21-25; 2 Pedro 3:13.
Mga Alagang Hayop sa Bagong Sanlibutan ng Diyos
Sa bagong sanlibutan ni Jehova, mahahawakan ng mga tao ang mabalahibong kilíng ng isang leon, mahahaplos ang guhit-guhit na balahibo ng isang tigre at, oo, makatutulog sa kakahuyan nang hindi natatakot na may mananakit na hayop. Pansinin ang pangakong ito ng Diyos: “Paglalahuin ko nga sa lupain ang mapaminsalang mabangis na hayop, at sila [ang mga tao] ay tatahan sa ilang nang tiwasay at matutulog sa mga kagubatan.”—Ezekiel 34:25; Oseas 2:18.
Sa katunayan sa panahong iyon, susunod ang maiilap na hayop maging sa maliliit na bata! Ganito ang sinasabi ng Bibliya: “Ang lobo ay tatahan ngang sandali kasama ng lalaking kordero, at ang leopardo ay hihigang kasama ng batang kambing, at ang guya at ang may-kilíng na batang leon at ang patabaing hayop ay magkakasamang lahat; at isang munting bata lamang ang mangunguna sa kanila.”
Pero hindi lamang iyan! Nagpapatuloy ang kasulatan: “Ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay magkakasamang hihiga. At maging ang leon ay kakain ng dayami gaya ng toro. At ang batang sumususo ay maglalaro sa lungga ng kobra; at sa siwang ng liwanag ng makamandag na ahas ay ilalagay nga ng batang inawat sa suso ang kaniyang kamay. Hindi sila mananakit o maninira man sa aking buong banal na bundok; sapagkat ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.”—Isaias 11:6-9.
Sa bagong sanlibutan ni Jehova, hindi magiging problema ang pagsisiksikan ng mga tao sa malalaking lunsod na di-kaayaayang tirhan kapuwa ng mga tao at ng kanilang mga alagang hayop. Totoo na maging sa ngayon ay marami ang nasisiyahan sa kanilang mga hayop, at marami ang timbang naman sa kanilang saloobin at pangangalaga sa mga ito. Ngunit isip-isipin na lamang ang kamangha-manghang pag-asa na masiyahan sa mga alagang hayop magpakailanman sa isang matuwid na bagong sanlibutan! Ang maibiging pangangalaga na ibibigay sa kanila ay tunay na magpaparangal sa Dakilang Maylalang ng lahat ng buháy na bagay.
Kung hindi mo pa natututuhan ang hinggil sa kamangha-manghang mga layunin ng Diyos—na kamakailan lamang nalaman ni Maria na mahilig sa mga hayop—malugod ka naming inaanyayahan na makipag-ugnayan sa mga tagapaglathala ng magasing ito o sa isa sa mga Saksi ni Jehova, na matutuwang tumulong sa iyo na matutuhan ang tungkol sa mga bagay na ito.
[Larawan sa pahina 10]
Sa bagong sanlibutan ng Diyos, masisiyahan ang mga tao sa mga hayop magpakailanman